Ang Super Sentai Series (スーパー戦隊シリーズ, Sūpā Sentai Shirīzu) ay ang pangalan na ibinigay sa pagpapalabas ng Hapones na "superhero team" genre ng mga palabas na nilikha ng Toei Company Ltd., Toei Agency at ng Bandai, at isinahimpapawid ng TV Asahi ("Super" ay tumutukoy sa paggamit nila ng mecha, at "sentai" ay salitang Hapones na ang ibig sabihin ay "task force" o "fighting squadron" o "pangkat mandirigma" at katagang ginamit sa mga lipon ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig). Ang mga palabas ay mula sa genre na tokusatsu, featuring live action characters and colorful special effects, and are aimed mainly at families. Ang seryeng ito ay isa sa mga prominenteng tokusatsu productions sa Hapon, kasama Ultra Series, ng Kamen Rider Series, at ng Metal Hero Series.

Ang opisyal na logo ng Super Sentai Series na ipinakilala noong 2000 sa pagsasahimpapawid ng Mirai Sentai Timeranger

Ang Super Sentai ay ang pinaghahanguan ng Power Rangers sa Estados Unidos.

Buod ng mga Serye

baguhin
 
Ang opisyal na poster para sa ika-25 Taon na pelikulang crossover, Hyakujuu Sentai Gaoranger vs. Super Sentai (2001)

Sa bawat palabas na Sentai, ang laban sa pagitan ng kabutihan at kasamaan ay ipinapakita, na kadalasang kabutihan ang laging panalo. Ang kadalasang premisa ng mga naturang serye ay ang pangkat ng limang tao (minsan ay tatlo lang sa ibang kaso) na nakakatanggap ng kapangyarihan (pang-salamangka man o pang-teknolohiya), nagsusuot ng makulay na kasuotan, gumagamit ng mga makabagong sandata at kakayahan sa martial arts upang kalabanin ang mga nilalang na mula sa ibang planeta o dimensiyon na nagnanasang sakupin ang planetang Daigdig. Karamihan sa mga episode, matapos kalabanin ng pangkat ng sentai ang mga lupon ng mga kalaban at ang "halimaw ng episode", gumagamit sila ng mga malalaking sasakyang pandigma na pawang sasakyan o hayop ("mecha") na maaaring magsama upang maging isang malaking robot upang kalabanin ang pinalaking halimaw.

Colors

baguhin

Ang paletang kulay para sa Super Sentai ay yumabong sa paglipas ng mga taon, na nagsisimula sa mga kulay Pula (Red), Bughaw (Blue), Dilaw (Yellow), Rosas (Pink), at Luntian (Green) sa Goranger. Ang pinuno ng pangkat ay kadalsang Pula, bagamat may ilan ding kudisyon.

Siri TV

baguhin
  • Himitsu Sentai Gorenger (1975–1977)
  • J.A.K.Q. Dengekitai (1977)
  • Battle Fever J (1979-1980)
  • Denshi Sentai Denziman (1980-1981)
  • Taiyou Sentai Sun Vulcan (1981-1982)
  • Dai Sentai Goggle-V (1982-1983)
  • Kagaku Sentai Dynaman (1983-1984)
  • Choudenshi Bioman (1984-1985)
  • Dengeki Sentai Changeman (1985-1986)
  • Choushinsei Flashman (1986-1987)
  • Hikari Sentai Maskman (1987-1988)
  • Choujuu Sentai Liveman (1988-1989)
  • Kousoku Sentai Turboranger (1989-1990)
  • Chikyu Sentai Fiveman (1990-1991)
  • Choujin Sentai Jetman (1991-1992)
  • Kyouryuu Sentai Zyuranger (1992-1993)
  • Gosei Sentai Dairanger (1993-1994)
  • Ninja Sentai Kakuranger (1994-1995)
  • Chouriki Sentai Ohranger (1995-1996)
  • Gekisou Sentai Carranger (1996-1997)
  • Denji Sentai Megaranger (1997-1998)
  • Seijuu Sentai Gingaman (1998-1999)
  • Kyuukyuu Sentai GoGoFive (1999-2000)
  • Mirai Sentai Timeranger (2000-2001)
  • Hyakujuu Sentai Gaoranger (2001-2002)
  • Ninpuu Sentai Hurricaneger (2002-2003)
  • Bakuryuu Sentai Abaranger (2003-2004)
  • Tokusou Sentai Dekaranger (2004-2005)
  • Mahou Sentai Magiranger (2005-2006)
  • GoGo Sentai Boukenger (2006-2007)
  • Juken Sentai Gekiranger (2007-2008)
  • Engine Sentai Go-onger (2008-2009)
  • Samurai Sentai Shinkenger (2009-2010)
  • Tensou Sentai Goseiger (2010-2011)
  • Kaizoku Sentai Gokaiger (2011-2012)
  • Tokumei Sentai Go-Busters (2012-2013)
  • Zyuden Sentai Kyoryuger (2013-2014)
  • Ressha Sentai Toqger (2014-2015)
  • Shuriken Sentai Ninninger (2015–2016)
  • Doubutsu Sentai Zyuohger (2016-2017)
  • Uchuu Sentai Kyuranger (2017-2018)
  • Kaitou Sentai Lupinranger VS Keisatsu Sentai Patranger (2018–2019)
  • Kishiryu Sentai Ryusoulger (2019-2020)
  • Mashin Sentai Kiramager (2020-2021)
  • Kikai Sentai Zenkaiger (2021-2022)
  • Avataro Sentai Donbrothers (2022-2023)
  • Ohsama Sentai King-Ohger (2023-2024)
  • Bakuage Sentai Boonboomger (2024-kasalukuyan)

Ugnayang Panlabas

baguhin