Presbiterianismo

(Idinirekta mula sa Presbyterianismo)

Ang Presbyterianismo ay isang uri ng Protestanteng Kristiyanismo. Sinimulan ito ni John Knox sa Eskosya noong ika-16 na siglo. Ang mga Presbyteriano ay naniniwala na ang Bibliya ang pinakamahalagang bagay sa kanilang simbahan dahil ito ay ibinigay ng Diyos sa mga tao at walang itong mga pagkakamali. Naniniwala sila na ang Diyos ang may kontrol sa lahat ng bagay at pinili niyang gawin ang ilang tao na sundin si Hesu Kristo ngunit hindi ang iba, at ang mga tagasunod lamang ni Hesus ang maaaring makapasok sa langit.

Ang nasusunog na palumpong ay isang karaniwang simbolo na ginagamit ng mga simbahanng Presbyteriano. Ang inskripsiyong Latin sa ilalim na "Ardens sed virens" ay isinasalin bilang "nasusunog ngunit lumalago".