Mababang paaralan

(Idinirekta mula sa Primary school)

Ang mababang paaralan o paaralang primarya (Ingles: primary school o elementary school) ay ang paaralan na nagbibigay ng unang bahagi ng edukasyon ng mga bata. Ang mga batang nag-aaral sa mababang paaralan ay karaniwang nasa edad na mula lima hanggang labing isang taong gulang.[1] Dito napag-aaralan ng mga bata ang mga kasanayan na nagsisilbing pundasyon para maihanda sila sa pagharap sa buhay, trabaho at kung paano maging aktibong mamamayan.[2]

Paaralang elementarya sa Pilipinas

baguhin

Noong taong pampaaralan (Ingles: school year) 2021 hanggang 2022, mayroong 43,090 na mga paaralang elementarya sa buong bansa.[3] Karamihan sa mga ito ay nasa mga rehiyon ng III, VI-A, V, VI, VII, at VIII.[3][4] Dito ay nag-aaral ang 12,796,802 na mga bata.[5]

Ayon sa Departamento ng Edukasyon, dalawa sa bawat tatlong gusaling pangpaaralan ang nangangailangan ng pagkukumpuni at tinatayang may kakulangan pa ng 91,000 na mga silid-aralan.[6]

Ang mga paaralang elementarya sa Pilipinas ay naitayo mula pondo ng Departamento ng Edukasyon, lokal na gobyerno, pribadong sektor, Senado, Kapulungan ng mga Kinatawan (Ingles: House of Representatives) at iba pang ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas.[7] Mayroon ding mga gusali ng paaralan na pinondohan ng mga dayuhan.[7]

Paaralang elementarya sa Estados Unidos

baguhin

Noong taong pangpaaralan 2019 hanggang 2020, mayroong 70,039 na pangpublikong paaralan para sa prekindergarten, elementarya, at gitnang (Ingles: middle) na edukasyon at 18,870 na pribadong paaralan para prekindergarten, elementarya, at gitnang edukasyon.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "elementary school". Cambridge Dictionary. Cambridge University Press & Assessment. Nakuha noong 11 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. "Primary education | UNICEF". www.unicef.org. Nakuha noong 11 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.0 3.1 "DATA BITS Number of Schools SY 2021-2022" (PDF). Department of Education. Republic of the Philippines. Nakuha noong 12 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. "Masterlist of Schools SY 2020-2021" (PDF). Department of Education. Republic of the Philippines. Nakuha noong 12 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. "DATA BITS ENROLLMENT DATA, SY 2021-2022" (PDF). Department of Education. Republic of the Philippines. Nakuha noong 12 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. Chi, Cristina. "State of education: Two out of three school buildings need repairs". Philstar.com. Nakuha noong 2024-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Llego, Mark Anthony (2020-02-19). "Different Types of DepEd School Buildings in the Philippines". TeacherPH. Nakuha noong 2024-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The NCES Fast Facts Tool provides quick answers to many education questions (National Center for Education Statistics)". nces.ed.gov. Nakuha noong 2024-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Tingnan din

baguhin