Programang Lunar Orbiter
Ang programang Lunar Orbiter ay isang serye ng limang mga sasakyang-pangkalawakan ng Estados Unidos, na inihanda at nilikha upang magsagawa ng paikot na "paglakad"[1] sa paligid ng buwan at kuhanan ng mga larawan ang kapatagan ng buwan. Pangunahing layunin nito ang makahanap ng maaaring paglapagan ng mga may-taong sasakyang pangkalawakan (walang pang lulang tao ang palatuntunang Lunar Orbiter). Nakapaghatid ng mahigit sa 200 mga litrato ang Orbiter I, na sumahimpapawid noong Agosto 1966, at nasa dalawampu't limang milya ang pinakamalapit na kuhang retrato mula sa buwan.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ Orbita, orbit, lakad ng tala, bituin, araw, o buwan Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Bansa.org
- ↑ "Lunar orbiter". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan din
baguhin- Programang Luna, programang pang-buwan ng Unyong Sobyet
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.