Pagpaparami
Ang pagpaparami o reproduksiyon[1] ay ang prosesong biyolohikal kung saan nalalalang o nalilikha ang bagong indibidwal na mga organismo. Isang pundamental na kasangkapang-katangian ng lahat ng nalalamang buhay ang reproduksiyon; umiiral ang bawat indibidwal bilang resulta o kinalabasan ng reproduksiyon. Malawakang pinangkat ang nakikilalang mga metodo ng reproduksiyon sa dalawang pangunahing tipo o uri: ang seksuwal at ang aseksuwal.
Sa reproduksiyong aseksuwal, maaaring makalikha o makagawa ng supling o anak ang isang indibidwal na hindi kinakailangan ang tulong ng isa pang indibidwal ng uri o espesyeng iyon. Isang halimbawa ng reproduksiyong aseksuwal ang dibisyon o paghahati ng isang selula ng bakterya upang maging dalawang anak na selula. Subalit hindi limitado o para lamang sa mga organismong uniselular o organismong may iisang selula ang reproduksiyong aseksuwal. Karamihan sa mga halaman ang may kakayahan o abilidad na makapagsupling sa pamamagitan ng paraang aseksuwal.
Nangangailangan ang reproduksiyong seksuwal ng tulong ng dalawang mga indibiduwal, karaniwang isa ng bawat isang kasarian o seks. Karaniwang halimbawa ng reproduksiyong seksuwal ang normal na reproduksiyong pantao o reproduksiyong humano.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.