Talaan ng mga sinaunang karagatan

(Idinirekta mula sa Proto-Tethys)

Ito ang talaan ng dating mga karagatan na nawala na dahil sa mga tektonikong paggalaw at ibang mga pagbabagong pang-heograpiya at pang-klima.

  • Karagatang Ilog Tulay (Ingles: Bridge River Ocean), ang karagatan sa pagitan ng sinaunang Kapuluang Insular (iyan ay, ang Stikinia) at Hilagang Amerika
  • Karagatang Sapang Cache (Ingles: Cache Creek Ocean), isang karagatang Paleosoiko sa pagitan ng Superterranong Wrangellia at Terranong Yukon-Tanana
  • Karargatang Hapeto (Ingles: Iapetus Ocean), ang karagatan sa Timog Emisperyo sa pagitan ng Baltika at Avaloniya
  • Karagatang Kahiltna-Nutotzin, Mesosoiko
  • Karagatang Hanty, ang karagatan noong Prekambriko hanggang Siluriko sa pagitan ng Baltika at kontinenteng Siberya
  • Karagatang Medicine Hat (o Sumbrerong Medisina)
  • Karagatang Mezcalera, ang karagatan sa pagitan ng Terranong Guerrero at Laurentia
  • Mirovia, ang karagatan na pinalibutan ng superkontinenteng Rodinia
  • Karagatang Mongol-Okhotsk, ang sinaunang karagatang Mesosoiko sa pagitan ng mga kraton ng Hilagang Tsina at Siberya
  • Karagatang Oimyakon, ang pinakahilagang bahagi ng Mesosoikomg Karagatang Panthalassa
  • Karagatang Paleo-Tetis, ang karagatan sa pagitan ng mga terranong Gondwana at Huniko
  • Karagatang Pan-Aprikano, ang karagatan na pinapalibutan ng superkontinenteng Pannotia
  • Panthalassa, ang malawak na karagatang mundo na pinapalibutan ng superkontinenteng Pangaea, na tinutukoy din bilang Karagatang Paleo-Pasipiko
  • Karagatang Pharusia, Neoproterosoiko
  • Karagatang Poseidon, Mesoproterosoiko
  • Karagatang Pontus, ang kanlurang bahagi ng sinaunang Mesosoikong Karagatang Panthalassa
  • Karagatang Proto-Tetis, Neoproterosoiko
  • Karagatang Reiko, ang karagatang Paleosoiko sa pagitan ng Gondwana at Laurussia
  • Karagatang Slide Mountain, ang karagatang Mesosoiko sa pagitan ng sinaunang Kapuluang Intermontana (iyan ay, Wrangellia) at Hilagang Amerika
  • Karagatang Timog Anuyi, karagatang Mesosoiko na may kaugnayan sa pagbuo ng Karagatang Artiko
  • Karagatang Tetis, ang karagatan sa pagitan ng mga sinaunang lupalop na Gondwana at Laurasia
  • Karagatang Thalassa, ang silangang bahagi ng sinaunang Mesosoikong Karagatang Panthalassa
  • Karagatang Ural, ang karagatang Paleosoiko sa pagitan ng Siberya at Baltika