Antropolohiyang pangsikolohiya

(Idinirekta mula sa Psychological anthropology)

Ang antropolohiyang pangsikolohiya (Ingles: psychological anthropology) ay isang kabahaging larangan na interdisiplinaryo na nagsasagawa ng pag-aaral ng mga prosesong pangkultura at pang-isipan. Ang kabahaging larangang ito ay nakatuon sa mga paraan kung saan ang pag-unlad at enkulturasyon ng mga tao na nasa loob ng isang partikular na pangkat ng pangkultura (na mayroong sariling kasaysayan, wika, mga gawain, at mga kategoryang pangdiwa) ay nahuhubog ng mga proseso ng pantaong pagtalos, damdamin, persepsiyon, motibasyon, at kalusugang pang-isipan. Sinusuri rin nito ang kung paanong ang pagkaunawa ng kognisyon, emosyon, motibasyon, at kahalintulad na mga prosesong pangsikolohiya ay nakapagpapabatid (nakapagbibigay ng kabatiran) o nakakasagabal sa mga modelo ng mga prosesong pangkultura at panglipunan o pakikipagkapuwa. Bawat isang paaralan na nasa loob ng antropolohiyang pangsikolohiya ay mayroon pansarili nitong paraan ng pagharap.[1][2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. D'Andrade, R. G. (1995). The development of cognitive anthropology. New York, Cambridge University Press.
  2. Schwartz, T., G. M. White, et al., mga patnugot. (1992). New Directions in Psychological Anthropology. Cambridge, UK, Cambridge University Press.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya at Antropolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.