Kognisyon

(Idinirekta mula sa Pagtalos)

Sa agham, ang pagkaalam[1] o kognisyon (Ingles: cognition) ng kaalaman ay isang pangkat ng mga prosesong pang-isipan na kinabibilangan ng pagpansin (atensiyon), alaala, ang paglikha at pag-unawa ng wika, pagkatuto, pangangatwiran, paglutas ng suliranin, at pagpapasya. Sari-saring mga disiplina, katulad ng sikolohiya, pilosopiya, lingguwistika, agham, at agham na pangkompyuter ang nag-aaral ng kognisyon. Subalit, ang paggamit ng kataga ay nagkakaiba-iba sa kahabaan ng mga disiplina; halimbawa, sa sikolohiya at sa agham na kognitibo, ang "kognisyon" ay karaniwang tumutukoy sa pananaw na isang proseso ng kabatiran ng mga tungkulin ng isang indibiduwal. Ginagamit din ito sa loob ng isang sangay ng sikolohiyang panlipunan na kung tawagin ay kognisyong panlipunan upang maipaliwanag ang kalooban o paraan ng pag-iisip, atribusyon, at dinamika ng mga pangkat.[kailangan ng sanggunian]

Ang kognisyon ay isang pakultad o kakayahan para sa pagpoproseso ng impormasyon, paglalapat o paggamit ng kaalaman, at pagbago ng mga kanaisan o kagustuhan. Ang kognisyon, o mga prosesong kognisyon, ay maaaring maging likas o artipisyal, may malay o walang kamalayan. Ang mga prosesong ito ay sinusuri magmula sa iba't ibang mga diwa, natatangi na ang sa mga larangan ng lingguwistika, anestesia, neurolohiya, sikiyatriya, sikolohiya, antropolohiya, sistemika (sistemiks), agham na pangkompyuter, at kredo (pahayag ng pananampalataya o pananalig). Sa loob sikolohiya o ng pilosopiya, ang konsepto ng kognisyon ay malapit na may kaugnayan sa mga diwang abstrakto na katulad ng isipan at karunungan (intelihensiya). Nasasaklawan nito ang mga tungkuling pang-isipan (punksiyong mental), mga prosesong pang-isipan (kaisipan) at mga kalagayan ng mga entidad na may talino (mga tao), mga pangkat na nagtutulungan, mga samahan ng tao, mga makinang matataas ang antas ng awtonomiya o kalayaan, at mga intelihensiyang artipisyal.[kailangan ng sanggunian]

Etimolohiya

baguhin

Ang salitang "kognisyon" ay nagbuhat sa pandiwang Latin na congnosco (con 'mayroong' + gnōscō 'pag-alam'), na isa mismong hiram na salita mula sa sinaunang Griyegong pandiwa na gnόsko "γνώσκω" na may kahulugang 'pagkatuto' (pangngalan: gnόsis "γνώσις" = kaalaman), kung kaya't ang kognisyon ay may malawak na kahulugang 'magkadiwa', 'maisadiwa' o 'makilala'.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ballena, Constantino (2007). English-Filipino Dictionary of Philosophy. National Bookstore. ISBN 9710867768.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.