Kabagungtauhan

(Idinirekta mula sa Puberty)

Ang kabagungtauhan[1] (Ingles: puberty, Kastila: pubertad) ay ang kung ano ang nagaganap sa mga katawan ng mga bata na nagpapabago sa kanila upang maging mga adulto. Tinatawag din itong pagbibinata[2] o kabinataan kung tumutukoy sa nagbabagong batang lalaki, at pagdadalaga[2] o kadalagahan[1] kung tumutukoy sa nagbabagong batang babae. Pagkaraan ng kabagungtauhan, ang mga tao ay nagiging may kakayahang makagawa ng mga anak, sapagkat nagkakaroon ng sapat na gulang ang lalaki upang makabuntis at sapat na edad naman ang babae upang mabuntis. Ang babaeng nagdaan na sa kabagungtauhan ay maaaring mabuntis at magkaroon ng sanggol. Sa kabagungtauhan, ang katawan ng lalaki ay nagsisimulang gumawa ng esperma at nagsisimula siyang magkaroon ng kakayahan na ehakulasyon, na semen na lumalabas mula sa kanyang titi kapag seksuwal siyang napukaw. Kapag nakipagtalik siya sa isang babae, maaari niya itong mabuntis. Sinisimulan ang kagungtauhan ng mga hormona, na mga kemikal na nagsasabi sa mga bahagi ng katawan upang gumawa ng mga bagay-bagay. Sa pangkaraniwan, nagsisimulang magdalaga ang mga batang babae sa pagitan ng gulang na 7 hanggang 15 mga taon, at ang mga batang lalaki sa pagitan ng 9 hanggang 16 na mga taon. Subalit ang mga tao sa buong mundo ay nagsisimula ng kabagungtauhan sa iba't ibang mga edad. Kabilang sa mga pagbabagong nangyayari sa mga lalaki at babaeng nagbabagungtao ang paglaki ng mga organong pangpagtatalik, paglitaw ng mga buhok sa katawan, pagtangkad, at pagiging malakas. Madalas na mapapansin ang paglalim ng tunog ng mga tinig ng mga lalaki, at ang paglaki ng mga suso ng mga babae at ang pagsisimula ng pagreregla ng mga ito ("buwanang dalaw").

Mga adolesente, mga lalaking nagbibinata at mga babaeng nagdadalaga.

Dahil ang kagungtauhan ay isang panahon sa buhay ng isang batang lalaki o babae kung kailan nagkakaroon siya ng kakayahang magkaanak, tinatanaw ito bilang napaka mahalaga. Kung gayon, ang mga tao sa maraming mga bansa sa paligid ng daigdig ay mayroon iba't ibang mga paraan ng pagmamarka sa kaganapang ito.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Puberty, kabagungtauhan, kadalagahan[patay na link], bansa.org
  2. 2.0 2.1 Puberty, pagbibinata, pagdadalaga Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., Gabby's Dictionary, gabbydictionary.com