Ang Puerto Aventuras ( Pagbigkas sa Espanyol: ['pweɾto aβen'tuɾas ] ) ay isang pamayanan na matatagpuan sa Munisipalidad ng Solidaridad, Quintana Roo, Mehiko . Ito ay may populasyon na 5,979 na mga naninirahan ayon sa isang sensus noong 2010, at ito ay matatagpuan sa taas na 9 metro (30 tal) mula sa dagat. Ito ang pangalawang pinakamalaking komunidad sa Munisipalidad ng Solidaridad, kasunod lamang sa luklukan ng munisipyo, ang Playa del Carmen .

Puerto Aventuras kanluran ng Highway 307 (mga tirahang residensyal)
Puerto Aventuras silangan ng Highway 307 (pook para sa mga turista at resort).

Ang Puerto Aventuras ay nahahati sa dalawang bahagi: kanluran ng Highway 307 ay ang subdibisyon ng tirahan, at ang silangan ng Highway 307 kasama ang baybayin ng Caribbean ay ang sona ng turista na may mga hotel at resort na bahagi ng Riviera Maya .

Mga pang-aliw

baguhin

Ang ilan sa mga gawaing pangkasiyahan sa Puerto Aventuras ay kinabibilangan ng: golf, tennis, paghuli ng mga isda, esnorkel, pagsisid, paglangoy kasama ang mga delpin at mga manati, at pagbisita sa ilan sa maraming mga malapit na mga hukay o depresyon sa lupa .

Mga Sanggunian

baguhin

Mga panlabas na kawingan

baguhin