Pulang Hukbo ng Tsina

Ang Pulang Hukbo ng mga Tsinong Manggagawa at Magsasakang o Rebolusyonaryong Hukbo ng mga Tsinong Manggagawa at Magsasakang, na pinalitan ng pangalan bilang Pulang Tsinong Hukbong Bayan noong 1936[kailangan ng sanggunian], na karaniwang kilala bilang Pulang Hukbo ng Tsina o simpleng Pulang Hukbo, ay ang armadong puwersa ng Partido Komunista ng Tsina mula 1928 hanggang 1937. Ang Pulang Hukbo ay isinama sa Pambansang Hukbong Rebolusyonaryo bilang bahagi ng Ikalawang Nagkakaisang Prente kasama ang Kuomintang upang labanan ang mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Sino-Hapon noong 1937–1945. Sa mga huling yugto ng Digmaang Sibil ng Tsina, pinalitan sila ng pangalan tungo sa Hukbong Mapagpalaya ng Bayan.

Pulang Hukbo ng mga Tsinong Manggagawa at Magsasaka
Tradisyunal na Tsino中國工農紅軍
Pinapayak na Tsino中国工农红军
Pulang Tsinong Hukbong Bayan
Tradisyunal na Tsino中國人民紅軍
Pinapayak na Tsino中国人民红军
Pinaikli: Pulang Hukbo
Tradisyunal na Tsino紅軍
Pinapayak na Tsino红军

Kasaysayan

baguhin

Pagbuo ng Pulang Hukbong Tsino (Huling dekada '20)

baguhin

Noong tag-araw ng 1926, kinuha ng PKT (Partido Komunista ng Tsina) ang dalawang dibisyon ng puwersa ng Partido Nasyonalistang Tsino at pinamunuan ang isang militar na pag-aalsa. Inutusan ng mga nasyonalistang puwersa na si Heneral He Long ang Ika-20 Kuwerpo na sumali sa kanila. Mayroon silang kabuuang 20,000 sundalo at nagplanong sakupin ang Guangzhou. Gayumpaman, natalo sila bago sila nakarating sa Guangzhou na may ilang libong lalaki lamang ang nakaligtas sa labanan. Pinangunahan ni Zhu De ang isang hanay ng mga nakaligtas sa Lalawigan ng Hunan upang lumaban sa Aklasang Anihan sa Taglagas kung saan muli sila ay natalo.[1] Matapos ang mga bigong pag-aalsa, kinuha ni Mao Zedong ang pamumuno sa 1,000 nakaligtas at nagtatag ng isang rebolusyonaryong baseng pook sa Kabundukan ng Jinggang. Nagsanib-puwersa ang dalawang hukbo sa sumunod na taon. Noong taglamig ng 1927, binalak ng PKT na sakupin ang Guangzhou; gayumpaman, nabigo ang pag-aalsa at libo-libong rebelde nang napatay ng mga Nasyonalistang puwersa ni Heneral Li Jishen.[2]

Sa pagitan ng 1928 at 1929, naglunsad ang PKT ng maraming pag-aalsa. Bagaman nabigo ang karamihan sa kanila, maraming maliliit na yunit ang nilikha, tulad ng Ikaapat na Hukbo nina Mao Zedong at Zhu De, na may kabuuang 6,000 katao noong tag-araw ng 1928 at nakipaglaban sa Lalawigan ng Jiangxi. Noong tag-araw rin ng 1928, pinangunahan ni Peng Dehuai, ang Rehimental na Kumander ng mga puwersang Nasyonalista, ang isang pag-aalsang militar. Isang nakaligtas sa Aklasang Nanchang, si He Long, ay lumikha rin ng isang hukbo sa kaniyang bayan, kasama ang mga dating sundalo ng gobyerno bilang pangunahing puwersang panlaban.

Mga sanggunian

baguhin

 

  1. "PLA History".
  2. Rhoads, Edward J. M.; Friedman, Edward; Joffe, Ellis; Powell, Ralph L. (1964). The Chinese Red Army, 1927–1963: An Annotated Bibliography. Bol. 16 (ika-1 (na) edisyon). Harvard University Asia Center. doi:10.2307/j.ctt1tg5nnd. ISBN 978-0-674-12500-1. JSTOR j.ctt1tg5nnd.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)