Pundasyong Livestrong

Ang Livestrong Foundation (o Pundasyong Livestrong) ay isang di-kumikitang organisasyon na nagbibigay suporta sa mga tao na apektado ng kanser. Nakabase ang pundasyon sa Austin, Texas at itinatag ng nakaligtas sa kanser at dating propesyunal na siklistang nakikipagkarerahan na si Lance Armstrong, bilang ang Lance Armstrong Foundation.[1] Inilunsd ang tatak na Livestrong ng pundasyon noong 2003.[2] Nagbitiw si Armstrong sa pundasyon noong 2012 pagkatapos ng pag-amin niya na gumagamit siya ng gamot para mapabuti ang kanyang kakayahan sa palakasan, na nagdulot sa muling pagsasatatak ng buong organisasyon bilang Livestrong Foundation.

Livestrong Foundation
Pagkakabuo1997
TagapagtatagLance Armstrong
PokusMay kaugnayan sa kanser
Kinaroroonan
Nasasakupang pook
Estados Unidos
Mahahalagang tao
Greg Lee (Pangulo)
Websitelivestrong.org

Sa mga aktibidad nito, nagsisikap ang pundasyon na mag-lobi (o magbigay ng impluwensiya sa desisyon) sa mga ahensyang pampamahalaan, magsagawa ng mga pananaliksik tungkol sa mga nakaligtas sa kanser, at pondohan ang ilang mga maliliit na mga organisasyong di-kumikita.[3]

Pulseras na Livestrong

baguhin

Ang Livestrong wristband o pulseras na Livestrong ay isang dilaw na pulseras o taling pang-ikot sa galang-galangan na binuo ng isang siklista at isang biktima ng kanser na si Lance Armstrong noong tag-araw ng 2004 (panahon sa Estados Unidos). Ang pulseras na ito ay naging bahagi ng "Wear Yellow Strong Education" na programa na may intensiyong suportahan ang mga biktima ng kanser at ang mga pinalad na mabuhay o makaalpas sa sakit na ito. Isa rin sa kanilang layunin ang maiparating ang kaalaman hinggil sa kanser sa iba. Layon nang pagbebenta ng naturang pulseras ang makakalap ng limang milyong dolyar ($5,000,000.00) para sa pundasyon na itininatag at ipinangalan kay Lance Armstrong. Katulong sa programang ito ay ang Nike. Ang dilaw na kulay ng pulseras na ito ay napili dahil sa kaniyang kahalagahan sa propesyonal na pamimisikleta, lalong lalo na sa dilaw na damit na ginamit sa Tour De France. Ang ibang purselas na ginagamit sa kahalintulad na kaparaan ay tinatawag na "awareness bracelets" o "mga purselas para sa kaalaman".

Noong 2005, mahigit na 50 milyong pulseras ang naipagbili. Ilan sa mga ito ay naipagbili sa eBay at pinagkakitaan ng ibang tao o grupo, bagay na ikinasama ng loob ni Armstrong.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Corrie MacLaggan (Nobyembre 14, 2012). "Exclusive: Livestrong cancer charity drops Lance Armstrong name from title". Chicago Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 23, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Corrie MacLaggan (Oktubre 17, 2012). "Lance Armstrong steps down from charity, Nike drops him". Reuters. Nakuha noong Enero 23, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Issie Lapowsky (Abril 1, 2014). "Livestrong Without Lance". Inc (sa wikang Ingles). Mansueto Ventures. Nakuha noong Abril 9, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)