Ang "Puss in Boots" (Italyano: Il gatto con gli stivali, lit. 'Ang pusa na may bota') (Tagalog: Pusang Nakabota) ay isang Italyanong[1][2] kuwentong bibit, kalaunan ay kumalat sa buong Europa, tungkol sa isang antropomorpikong pusa na gumagamit ng panlilinlang at panloloko upang makakuha ng kapangyarihan, kayamanan, at ang kamay ng isang prinsesa para ikasal sa kaniyang amo na nangangapos sa pera at mababa ang antas sa lipunan.

Ang pinakamatandang nakasulat na pagsasalaysay ay mula sa Italyanong may-akda na si Giovanni Francesco Straparola, na isinama ito sa kaniyang Ang mga Palabirong Gabi ni Straparola (c. 1550–1553) sa XIV–XV. Ang isa pang bersiyon ay inilathala noong 1634 ni Giambattista Basile na may pamagat na Cagliuso, at isang kuwento ang isinulat sa Pranses sa pagtatapos ng ikalabimpitong siglo ni Charles Perrault (1628–1703), isang retiradong lingkod sibil at miyembro ng Académie française. Mayroong isang bersiyon na isinulat ni Girolamo Morlini, kung saan ginamit ni Straparola ang iba't ibang mga kuwento sa Ang mga Palabirong Gabi ni Straparola.[3] Ang kuwento ay lumitaw sa isang sulat-kamay at may larawang manuskrito dalawang taon bago ang 1697 publikasyon nito ni Barbin sa isang koleksiyon ng walong kuwentong-bibit ni Perrault na tinatawag na Histoires ou contes du temps passé.[4][5] Ang aklat ay isang agad-agad na tagumpay at nananatiling popular.[6]

Malaki ang bunga ng Histoires ni Perrault sa kultura ng mundo. Ang orihinal na Italyanong pamagat ng unang edisyon ay Costantino Fortunato, ngunit kalaunan ay nakilala bilang Il gatto con gli stivali (lit. Ang pusa na may bota ); ang Pranses na pamagat ay "Histoires ou contes du temps passé, avec des moralités" na may subtitle na "Les Contes de ma mère l'Oye" ("Mga Kuwento o Kuwentong-bibit mula sa Nakaraan na Panahon na may Moral", na may subtitle na "Mother Goose Tales"). Ang frontispicio sa mga pinakaunang edisyon sa Ingles ay naglalarawan ng isang matandang babae na nagkukuwento sa isang grupo ng mga bata sa ilalim ng isang placard na may nakasulat na "MOTHER GOOSE'S TALES" at kinikilalang naglunsad ng alamat ng Mother Goose sa mundong nagsasalita ng Ingles.[3]

Ang "Puss in Boots" ay nagbigay ng inspirasyon para sa mga kompositor, koreograpo, at iba pang mga artista sa paglipas ng mga siglo. Lumilitaw ang pusa sa ikatlong aktong pas de caractère ng ballet ni Tchaikovsky na The Sleeping Beauty,[7] ay lumilitaw sa mga sequel at titulong mismong spin-off sa animated na pelikulang Shrek at ipinahiwatig sa logo ng Hapones na animena studio na Toei Animation. Ang Puss in Boots ay isa ring sikat na pantomime sa UK.

Mga sanggunian

baguhin
  1. W. G. Waters, The Mysterious Giovan Francesco Straparola, in Jack Zipes, a c. di, The Great Fairy Tale Tradition: From Straparola and Basile to the Brothers Grimm, p 877, ISBN 0-393-97636-X
  2. Opie & Opie 1974 Further info: Little Red Pentecostal Naka-arkibo 2007-10-23 sa Wayback Machine., Peter J. Leithart, July 9, 2007.
  3. 3.0 3.1 Opie & Opie 1974.
  4. Opie & Opie 1974, p. 23.
  5. Tatar 2002
  6. Tatar 2002, p. 234
  7. Brown 2007