Ang puting papel (Ingles: white paper; Kastila: libro blanco) ay isang mapanghahawakang ulat o gabay na nagpapaalam sa mga mambabasa tungkol sa isang kumplikadong isyu at nagpapahiwatig ng pilosopiya ng naglabas na awtoridad sa bagay na ito. Ang layunin nito ay tulungan ang mga mambabasa na unawain ng isang isyu, lutasin ang isang suliranin, o gumawa ng desisyon.

Lumaganap ang unang terminong Britaniko hinggil sa isang uri ng dokumento na iniisyu ng gobyerno, na nagkaroon ng medyo bagong kahulugan sa negosyo. Sa negosyo, ang puting papel ay mas kahawig sa anyo ng pagtatanghal sa pamimili na may layuning ipanghikayat ng mga mamimili at kasosyo at isulong ang isang produkto o pananaw.[1][2][3] Maaaring ituring ang mga puting papel bilang panitikang malamaya.

Sa gobyerno

baguhin

Nagmula ang terminong puting papel sa gobyernong Britaniko, at mararami ang tumuturo sa Puting Papel Churchill ng 1922 bilang pinakaunang kilalang halimbawa sa ilalim ng pangalang ito.[4] Si Gertrude Bell, ang Britanikang eksploradora at diplomatika, ay ang unang babae na nag-akda ng isang Puting Papel. "Review of the Civil Administration of Mesopotamia" ang pamagat ng kanyang ulat na may 149 pahina, at ipinakita sa Parlamento noong 1920. Sa gobyernong Britaniko kadalasang ito ang di-gaanong kalawak na bersyon ng tinatawag na bughaw na aklat o blue book. Nagmula ang dalawang termino sa kulay mismo ng takip ng dokumento.[2]

Ang mga puting papel ay "... instrumento ng demokrasyang makakalahok ... hindi [isang] hindi mababagong pangako sa patakaran."[5] "Sinubukan ng mga puting papel na tumupad sa dalawahang papel na maglahad ng maigting na patakaran ng pamahalaan habang at sa parehong oras time mag-anyaya ng mga opinyon tungkol dito."[6]

Sa Canada, ang puting papel ay "... isang dokumento ng patakaran, na inaprubahan ng Gabinete, na inilalahad sa Kapulungan ng mga Karaniwan at insinasapubliko."[7] Ang "pagkakaloob ng impormasyon ng patakaran sa pamamagitan ng paggamit ng mga puti at berdeng papel ay makakatulong upang lumikha ng isang kamalayan sa mga isyu ng patakaran sa mga parliyamentaryo at ng publiko at upang hikayatin ang isang pagpapalitan ng impormasyon at pagsusuri. Maaari rin silang magsilbi bilang mga pamamaraan sa edukasyon." [8]

Isang paraan ang mga puting papel na maipakita ng pamahalaan ang mga kagustuhan sa patakaran bago isasabatas. Sumusubok ang paglathala ng isang puting papel sa pampublikong opinyon sa mga kontrobersyal na isyung patakaran at tumutulong sa pamahalaan sa pagsusukat ng posibleng epekto.[9]

Sa kabaligtaran, mas haligayot ang mga luntiang papel na inilalathala nang mas madalas. Kilala rin bilang mga dokumentong pangkonsultasyon, ang mga luntiang papel ay maaaring magpanukala lamang ng diskarte sa pagtutupad ng mga detalye ng iba pang batas, o maaari silang magtakda ng mga panukala na kinanaisan ng gobyerno na makakuha ng mga pananaw at opinyon ng publiko.

Kabilang sa mga halimbawa ng puting papel panggobyerno, ang Puting Papel tungkol sa Lubusang Hanapbuhay sa sa Australya, at ang Puting Papel ng 1939 at Puting Papel ng Depensa 1966 sa Reyno Unido.

Sa kasaysayan ng Israel, ang Puting Papel ng 1939 – ang nagmarka ng matalim na pagliko laban sa Zionismo sa Britanikong patakaran at binati noon ng malaking galit mula sa Hudyong pamayanang Yishuv sa Sapilitang Palestina – ay naalala bilang " Ang Puting Papel" o "The White Paper" sa Ingles (sa Ebreong Ha'Sefer Ha'Lavan הספר הלבן - literal na "Ang Puting Aklat").

Sa negosyo-sa-negosyong pamimili

baguhin

Mula noong unang bahagi ng 1990, ang salitang "puting papel", ay inilapat sa mga dokumento na ginamit bilang mga instrumentong pampamimili o pambebenta sa negosyo. Mahahabang nilalaman itong mga puting papel na idinisenyo upang maitaguyod ang mga produkto o serbisyo mula sa isang kumpanya. Bilang isang pampamimili, gumagamit itong mga papel ng mga napiling katotohanan at lohikal na argumento upang makabuo ng isang kaso na kanais-nais sa kumpanyang tumatangkilik sa dokumento. Madalas na ginagamit ang mga puting papel na B2B (negosyo-sa-negosyo o business-to-business sa Ingles) upang makabuo ng mga prospekto, magtatag ng lideratong-isip, gumawa ng isang kaso de-negosyo, o bigyang-alam at hikayatin ang mga prospektong mamimili, mga kasosyo sa lagusan, mamamahayag, mambabaso, o mamumuhunan.

Itinuturing ang mga puting papel bilang isang uri ng content marketing o inbound marketing; sa madaling salita, ang itinaguyod na laman na mahahanap sa web na meron o walang rehistrasyon na distinadong itaas ang abot-tingin ng sponsor sa mga resulta ng de-makinang paghanap at sa gayon ay palakihin ang trapiko-web. Nagtataltalan ang maraming mga B2B na puting papel na nakahihigit ang isang partikular na teknolohiya, produkto o pamamaraan sa iba para sa paglutas ng isang tiyak na problema sa negosyo. Maaari rin nilang ipahayag ang mga natuklasan sa pananaliksik, ilista ang mga katanungan o tip tungkol sa isang isyu sa negosyo, o ibigay-diin ang isang partikular na produkto o serbisyo mula sa isang nagtitinda.[10]

Sa katotohanan, mayroong tatlong pangunahing uri ng mga komersyal na puting papel:

  • Pansanligan o backgrounder: Inilalarawan ang mga benepisyong teknikal o pangnegosyo ng pag-aalok ng isang nagtitinda; alinman sa produkto, serbisyo, o pamamaraan. Pinakamainam na gamitin ang ganitong uri ng puting papel upang ayudahan ang isang pagbubunsod ng produkto, taltalan ang isang kaso de-negosyo, o suportahan ang isang pagsusuring teknikal sa ilalim ng imbudo de-benta o sales funnel.
  • Numeradong talaan: Nagtatanghal ng mga tip, katanungan, o puntos tungkol sa isang isyu sa negosyo. Pinakamainam na gamitin ang ganitong uri upang makakuha ng pansin sa mga bago o dalahirang pananaw, o ipanira ang mga kakumpitensya.
  • Suliranin/solusyon: Inirerekumenda ang isang bago, pinahusay na solusyon sa isang problema sa negosyo. Pinakamainam na gamitin ang ganitong uri upang makabuo ng mga prospekto sa tuktok ng imbudo de-benta, magpasikat, o ipaalam at hikayatin ang mga kasapi, magbuo ng tiwala at kredibilidad sa paksa.[11]

Habang maaaring isama ang numeradong talaan sa alinman sa iba pang uri, hindi maisasagawang pagsamahin ang detalyadong impormasyon ng produkto ng pansanligan sa isang suliranin/solusyon na puting papel na may malawak na pananaw sa industriya.

Baryante

baguhin

Maraming mga baryante na naaayon sa tema ng kulay:

  • Ang luntiang papel ay isang panukala o dokumentong pangkonsulta sa halip na maging awtoridad o pangwakas.

Mayroon dalawang klase na hindi gaanong tatag:

  • Ang bughawing papel ay nagtatakda ng mga teknikal na espesipikasyon ng isang teknolohiya o aytem ng kagamitan.[12]
  • Ang dilawang papel ay isang dokumento na naglalaman ng pananaliksik na hindi pa pormal na tanggap o nailathala sa isang pahayagang akademika. Magkasingkahulugan ito sa mas ginagamit na salitang preprint.

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. Graham, Gordon. "What exactly is a white paper?". The White Paper FAQ. Nakuha noong 16 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Rouse, Margaret. "white paper definition". TechTarget. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Marso 2015. Nakuha noong 16 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Stelzner, Michael A. (2008). "Learn all about white papers". Whitepaper Source Publishing. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-07-02. Nakuha noong 2019-11-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. James, Anthony (17 Hunyo 2017). "Origin of White Papers". Klariti.com. Nakuha noong 27 Hunyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Doerr, Audrey D. The Role of White Papers. In: Doern, G.B. and Peter Aucoin. The Structures of Policy-making in Canada. Toronto, MacMillan, 1971. pp. 179-203.
  6. Pemberton, John E. Government Green Papers. Library World 71:49 Aug. 1969.
  7. Doerr, Audrey D. The Role of White Papers in the Policy-making Process: the Experience of the Government of Canada. 1973. Thesis (Ph.D) - Carleton University. 1. 56
  8. Doerr, Audrey D. The Machinery of Government. Toronto, Methuen, 1981. p. 153.
  9. Chapin, Henry and Denis Deneau. Citizen involvement in Public Policy-making: Access and the Policy-making Process. Ottawa, Canadian Council on Social Development, 1978. p. 33.
  10. Kantor, Jonathan (2009). Crafting White Paper 2.0: Designing Information for Today's Time and Attention Challenged Business Reader. Denver, Colorado: Lulu Publishing. p. 167. ISBN 978-0-557-16324-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Graham, Gordon (2010). How to Pick the Perfect Flavor for Your Next White Paper. ThatWhitePaperGuy. p. 15.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Blue Paper". Genuine Writing. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2017. Nakuha noong 13 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Karagdagang pagbabasa

baguhin
  • Graham, Gordon (2013). White Papers For Dummies. New York: Wiley. p. 366. ISBN 978-1-118-49692-3.
  • Stelzner, Michael (2006). Writing White Papers: How to capture readers and keep them engaged. Poway, California: WhitePaperSource Publishing. p. 214. ISBN 978-0-9777169-3-7.
  • Bly, Robert W. (2006). The White Paper Marketing Handbook. Florence, Kentucky: South-Western Educational Publishing. p. 256. ISBN 978-0-324-30082-6.

Mga kawing panlabas

baguhin