Puto maya
Ang puto maya o mangga't suman ay tradisyonal na panghimagas mula sa Timog-silangang Asya at Timog Asya na gawa sa malagkit na bigas, sariwang mangga at gata, at kinukutsara o kinakamay.[1]
Kurso | Panghimagas |
---|---|
Rehiyon o bansa | Timog-silangang Asya at Timog Asya |
Kaugnay na lutuin | Bangladesi, Kamboyano, Lao, Hilagang-silangang Indiyano, Pilipino, Malasyo, Taylandes, Biyetnames |
Pangunahing Sangkap | Malagkit, mangga, gata |
|
Paghahanda
baguhinKaraniwang pinapatamis ang mga panghimagas na may malagkit na bigas ng asukal sa palma o panutsa na hinalo sa gata at taliptip na niyog, na binalot sa dahon ng saging, at pinasingaw o ipinasok sa kawayan at inihaw sa siga kagaya ng binungey.[2] Kabilang sa mga kailangang sangkap ang malagkit na bigas, dinelatang o sariwang gata, asin, asukal sa palma at mangga.
Sa paghahanda nito, ibinababad ang kanin sa tubig at niluluto sa pagpasingaw o pagsaing. Samanatala, hinahalo ang gata sa asin at asukal at pinapainit nang hindi pinapakulo. Kapag luto na ang kanin, hinahalo ang tinimplang gata at kanin nang pantay-pantay at itinatabi para masipsip ng kanin ang gata. Binabalatan at hinihiwa ang mga mangga. Sa paghain nitong pagkain, sinasandok ang kanin sa plato, pinapatungan o tinatabihan ng mga mangga, at ibinubuhos ang natitirang gata sa ibabaw. Minsan, binubudburan ang malakit ng malutong na munggong-dilaw.[3]
Kadalasang ginagamit ang dilaw na mangga na mas matamis kaysa sa berdeng mangga. Ang mga tradisyonal na ginagamit na baryante ng mangga ay Nam Dok Mai at ok-rong.[4] Ginagamit ang malagkit, na mas matamis kumpara sa normal na kanin para sa pinakamainam na tekstura.[3]
Mga baryasyon
baguhinIto ang mga baryasyon sa klasikong puto maya, kagaya ng pagpapalit ng malagkit ng pirurutong na nagbibigay ng lila na kulay.[5]
Sa Taylandiya
baguhinAng khao niao mamuang (Thai: ข้าวเหนียวมะม่วง), na may salinwika na mangga at malagkit o mango sticky rice, ay tradisyonal na panghimagas Taylandes na binubuo ng malagkit na niluto sa gata at inihahain kasama ng mga bagong-hiwa na mangga sa ibabaw.[6] Kabilang sa mga opsiyonal na sahog ang binusang munggo at tinostang linga na maaaring ibudbod bilang pandagdag ng lutong at lasa.[7] Sa Gitnang Taylandiya, pangunahing sangkap ang gata dahil marami ang mga punong niyog sa rehiyon.[8][9] Subalit sa mas malamig na hilaga, kung saan mas mahirap makakuha ng sariwang niyog, mas bihira ang paggamit ng gata.[8] Sa Gitnang Taylandiya, karaniwang ginagamit ang khao niao moon,[10] malagkit na bigas na hinalo sa gata, sa mga panghimagas kagaya ng puto maya, habang sa Hilaga at Hilagang-silangang Taylandiya, mas karaniwang isteypol ang "medyo malagkit" na kinakamay, nang hindi pinapares sa niyog.[11][12]
Pinaniniwalaan na noong pahuli ng panahong Ayutthaya ang eksaktong pinagmulan ng khao niao mamuang sa Taylandiya. Inilalarawan ng isang taludtod mula sa panahong iyon ang pagkamahilig sa mga matatamis na pagkain, at nabanggit ang Manggang Ok Rong, isang kultibar na katutubo sa Taylandiya.[13] Noong paghahari ni Hari Chulalongkorn, kinakain ang khao niao moon na may kasamang mangga.[14] Bagama't sinasabing nagmula ang mangga't suman sa Taylandiya,[15][16] kumalat na ito sa mararaming bansa sa Timog-silangan at Timog Asya.[16]
Karaniwang pagkaing-kalye ang mangga't suman sa Taylandiya at kinokonsiderang kaakit-akit ng mga banyagang turistang bumabiyahe sa Taylandiya.[17] Kadalasan itong kinakain tuwing Abril at Mayo, sukdulan ng anihang mangga.[18] Pinagsasamahan ang mga karaniwang matatamis na mangga, kagaya ng Nam Dok Mai o Ok rong sa malagkit na pinatamis ng gata, at inihahain nang mainit-init.[18]
Sa Laos
baguhinKaraniwang panghimagas ang puto maya sa mga Lao kung saan naitanim ang malagkit sa kasaysayan ng pagkain at alamat.[19][20] Isang pambansang pagkain sa Laos ang malagkit na konektado sa kultura at mga tradisyon sa relihiyon.[21][22][23] Tuwing paghihinog ng mga mangga, inihahain ang malagkit na nilagyan ng pinatamis na gata at binusang linga kasama ng mga hiniwang mangga. Maaaring ihain ang malagkit kasama ng mangga lamang.[24]
Sa Pilipinas
baguhinIsang paborito ng mga Bisaya ang puto maya, isang pangmeryendang malagkit na niluto sa gata, at minsan, luya. Inihahain ito kasama ng mga hinog na mangga (kung napapanahon) at sikwate.[25][26] Sa Cagayan de Oro, ginagamit ang lilang baryante ng malagkit.[27]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "What Is Mango Sticky Rice?" [Ano Ang Puto Maya?]. wiseGEEK (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Agosto 2020. Nakuha noong 29 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Foreign Missionary [Ang Banyagang Misyonero] (sa wikang Ingles). Mission House. 1876. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-03-18. Nakuha noong 2021-11-18.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Thai Mango Sticky Rice Recipe" [Resipi ng Taylandes na Puto Maya]. Mark Wiens (sa wikang Ingles). 6 Hulyo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Abril 2017. Nakuha noong 6 Marso 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "สนามข่าวชวนกิน : พาไปชิม! ข้าวเหนียวมะม่วง ป้าใหญ่ ป้าเล็ก". Channel 7 (sa wikang Thai). 2018-03-10. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-30. Nakuha noong 2018-03-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Coconut Milk Sticky Rice with Mangoes" [Ginataang Malagkit na may Mangga]. Epicurious.com (sa wikang Ingles). 16 Mayo 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Disyembre 2017. Nakuha noong 21 Disyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schmidt, Darlene (Hunyo 30, 2022). "Thai Mango Sticky Rice Dessert (Khao Niaow Ma Muang)" [Malagkit at Mangga, Ang Taylandes na Panghimagas (Khao Niaow Ma Muang)]. The Spruce Eats (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 20, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Thai Mango Sticky Rice" [Taylandes na Puto Maya]. Takes Two Eggs (sa wikang Ingles). 2021-07-07. Nakuha noong Abril 21, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Morla, Carla (Pebrero 6, 2019). "Thai cuisine beyond the coconut: Andrzej's Northen Thai feast in Manhattan" [Lutuing Taylandes hindi lang sa niyog: Hilagang Taylandes na salu-salo ni Andrzej sa Manhattan]. Eatwith (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 20, 2023.
Sa Gitnang Taylandiya, isteypol ang gata. Subalit mabundok at magubat sa Hilagang Taylandiya. Hindi tumutubo ang punong niyog sa rehiyon at mas gawang-halaman at makalupa ang paglalarawan sa mga pagkain. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sunpapao, Anurag; Suwannarach, Naritsada; Kumla, Jaturong; Dumhai, Rungtiwa; Phookamsak, Rungtiwa (2022). "Morphological and molecular identification of plant pathogenic fungi associated with dirty panicle disease in coconuts (Cocos nucifera) in Thailand" [Pagkakakilanlang morpolohikal at molekular ng kolatkolat na nakakasakit sa halaman na nauugnay sa dirty panicle disease sa mga niyog (Cocos nucifera) sa Taylandiya]. Journal of Fungi (sa wikang Ingles). 8 (4): 335. doi:10.3390/jof8040335. PMC 9029170.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Thai Desserts in Each Region of Thailand". Love Thailand. Nakuha noong Abril 20, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Why Sticky Rice Reigns In The North Of Thailand - MICHELIN Guide" [Bakit Naghahari Ang Medyo Malagkit sa Hilaga ng Taylandiya - MICHELIN Guide]. MICHELIN Guide (sa wikang Ingles). Hunyo 5, 2020. Nakuha noong Abril 20, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Herzfeld, Michael (2011). "The Politics of the Thai Table: Food, Manners, Values" [Ang Pulitika ng Lamesang Taylandes: Pagkain, Kilos, Asal] (PDF). Education About Asia (sa wikang Ingles). 16 (3): 46–48.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ย้อนรอยที่มา 'ข้าวเหนียวมะม่วง' ขนมหวานเลื่องชื่อของไทย" (sa wikang Thai). ช่อง 8. 17 Abril 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ร้านอาหาร-เพจดัง รับกระแส 'ข้าวเหนียวมะม่วง' เผย สมัยร.2 เรียก 'ข้าวเหนียวใส่สีโศก'". มติชน.
- ↑ Hong-Jun, Chena; Shao-Yu, Chena; Puttongsirib, Tongchai; Pinsirodomb, Praphan; Changa, Yi-Huang; Chih, Cheng (22 Marso 2018). "production of low calories sticky rice with coconut milk" [produksiyon ng mababang kaloriyang malagkit at gata] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Abril 2023. Nakuha noong 27 Oktubre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 16.0 16.1 "Mango Sticky Rice: This Classic Thai Dessert Screams Summer (Recipe Inside)" [Mangga't Malagkit: Itong Klasikong Taylandes na Panghimagas, Talagang Pantag-init (May Resipi sa Loob)]. NDTV Food (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Abril 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sudjaroen, Yuttana; Petcharaporn, Kanyapat (2021). "Identity and Competitiveness of Thai Street Food Located In Travelling Area of Bangkok". Review of International Geographical Education Online. 11 (7): 4181–4186. doi:10.48047/rigeo.11.07.385 (di-aktibo 1 Agosto 2023). ISSN 2146-0353. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Hunyo 2022. Nakuha noong 7 Mayo 2022.
{{cite journal}}
: CS1 maint: DOI inactive as of 2023 (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 18.0 18.1 "Mango sticky rice" [Mangga't malagkit] (sa wikang Ingles). Taste of Thailand. 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hulyo 2021. Nakuha noong 19 Hulyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Epstein, Steven (1993). Xieng Mieng: cleverest man in the Kingdom, a Lao tale retold by Steve Epstein; illustrated by Anoulom Souvandoune [Xieng Mieng: pinakamatalinong tao sa Kaharian, isang kuwentong Lao na muling isinalaysay ni Steve Epstein; inilarawan ni Anoulom Souvandoune] (sa wikang Ingles). Vientiane Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-03-18. Nakuha noong 2021-11-18.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sasson, Vanessa R. (2013). Little Buddhas: Children and Childhoods in Buddhist Texts and Traditions [Maliliit na Buddha: Mga Bata at Pagkabata sa mga Teksto at Tradisyon ng Budismo] (sa wikang Ingles). OUP USA. ISBN 978-0-19-994561-0. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-03-18. Nakuha noong 2021-11-18.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A Taste of Sticky Rice, Laos' National Dish" [Isang Tikim ng Malagkit, Pambansang Pagkain ng Laos]. Smithsonian Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-10-05. Nakuha noong 2021-07-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Laos at the crossroads" [Laos sa sagandaan]. grain.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-17. Nakuha noong 2021-07-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rice Landscape Analysis - Feasibility of and opportunities for rice fortification in the Lao People's Democratic Republic | World Food Programme" [Pagsusuri ng Palayan - Pagiging posible at mga pagkakataon sa pagpapatibay ng bigas sa Demokratikong Republikang Bayan ng Lao | World Food Programme]. www.wfp.org (sa wikang Ingles). Enero 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-07. Nakuha noong 2021-07-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Culloty, Dorothy (2010). Food from northern Laos: The boat landing cookbook [Pagkain mula sa hilagang Laos: Ang aklat-luto sa paglapag ng bangka] (PDF) (sa wikang Ingles). Galangal Press. p. 173. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2021-07-27. Nakuha noong 2022-05-06.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dizon, Erika (Agosto 16, 2017). "Ever Wonder Why Puto Bumbong Is Violet? (It's Not Ube)" [Naitanong Mo Na Ba Kung Bakit Lila Ang Puto Bumbong? (Hindi Dahil sa Ube)]. Spot.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 2, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fernandez, Raymund (Disyembre 27, 2013). "Puto maya". Inquirer.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 2, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fenix, Micky (Agosto 26, 2015). "'Puto maya,' 'sikwate,' 'bahal,' 'guinamos'–indigenous finds in a Cagayan de Oro market" ['Puto maya,' 'sikwate,' 'bahal,' 'guinamos'–mga katutubong tuklas sa Kagay-anong palengke]. Inquirer Lifestyle (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 2, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)