Quasar
Ang mga Quasar ( /ˈkweɪzɑːr/) na pinaikli sa katawagang Ingles na quasi-stellar radio sources ay ang may pinakamalakas na enerhiya at malayong kasapi ng isang uri ng mga bagay na tinatawag na active galactic nuclei (AGN). Ang mga Quasar ay napakaliwanag at unang nakilala bilang pinagmulan na redshift ng malalakas na electromagnetic energy, kasama na dito ang mga radio wave at nakikitang ilaw, na nagdulot dito na maging katulad ng mga bituin kaysa sa mga mas pinalawig na mga pinagmulan katulad ng mga galaksiya. Ang kanilang mga spectrum ay may mga emission line, hindi magkatulad sa kahit anong mga nakilalang bituin, bagkus ang katawagang "quasi-stellar." Ang kanilang kaliwanagan ay mas malakas ng isangdaang beses kaysa sa Milky Way.[2] Karamihan sa mga quasar ay nabuo noong mga 12 bilyong taon sa nakaraan dulot ng pagbungo ng mga galaksiya at ang kanilang mga gitnang black hole upang magbuo ng napalaking black hole pagdating sa masa.[3]
Ngunit ang tunay na pinagmulan ng mga bagay na ito ay pinagtatalunan hanggang noong unang bahagi ng dekada 1980, nagkaroon ng scientific consensus o napagkasunduan na ang quasar ay isang pinagsiksik na rehiyon sa gitna ng malaking galaksiya pagdating sa masa na pinapalibutan ang isang supermassive na black hole.[4] Ang laki nito ay hihigit ng 10–10,000 beses kaysa sa Schwarzschild radius ng black hole. Ang enerhiya na binubuga ng quasar ay galing sa nahuhulog na masa sa accretion disc na nakapalibot sa black hole.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Most Distant Quasar Found". ESO Science Release. Nakuha noong Hulyo 4, 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Quasi-Stellar Radio Sources 3C 48 and 3C 273". The Astrophysics Journal. Bibcode:1964ApJ...140....1G. doi:10.1086/147889.
- ↑ "HubbleSite - NewsCenter - Hubble Sees the 'Teenage Years' of Quasars (06/18/2015) - Introduction". hubblesite.org. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 12, 2015. Nakuha noong Agosto 1, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Irion, Robert. "A Quasar in Every Galaxy?" (PDF). Sky and Telescope. New Track Media. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-03-21. Nakuha noong Pebrero 20, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)