Queensland University of Technology
Ang Queensland University of Technology (QUT) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa lungsod ng Brisbane, Queensland, Australia. Ang QUT ay matatagpuan sa dalawang campus sa Brisbane: sa Gardens Point at Kelvin Grove. Ang unibersidad sa kanyang kasalukuyang porma nito ay itinatag noong 1989, nang ang Queensland Institute of Technology (QIT) ay magawaran ng katayuan ng unibersidad sa pamamagitan ng 'Queensland University of Technology Act' na isinabatas noong 1988 at dahil na rin sa pagsanib ng Brisbane College of Advanced Education sa QUT noong 1990. Ang QUT ay isang miyembro ng Australian Technology Network ng mga unibersidad.
27°28′37″S 153°01′41″E / 27.4769°S 153.0281°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.