Ang Qufu (binibigkas bilang [tɕʰŷ ; Tsino: 曲阜) ay isang lungsod sa timog-kanlurang lalawigan ng Shandong , Silangang Tsina. Ito ay matatagpuan mga 130 kilometro (81 mi) timog ng kabesera ng probinsiya na Jinan at 45 kilometro (28 mi) hilagang-silangan ng luklukang prepektural sa Jining. Ang Qufu ay may lawak na 815 kilometro kuwadrado, at may kabuuang populasyon na 653,000 na naninirahan, kung saan, 188,000 ang nakatira sa mga urbanong lugar.[1][2]

Qufu

曲阜市

Kufow
Timog na tarangkahan ng Qufu
Timog na tarangkahan ng Qufu
Lokasyon sa Jining
Lokasyon sa Jining
Qufu is located in Shandong
Qufu
Qufu
Lokasyon sa Shandong
Qufu is located in China
Qufu
Qufu
Qufu (China)
Mga koordinado (Pamahalaang munisipal ng Qufu): 35°34′55″N 116°59′10″E / 35.5819°N 116.9862°E / 35.5819; 116.9862
CountryRepublikang Bayan ng Tsina
LalawiganShandong
Antas-prepekturang lungsodJining
Lawak
 • Antas-kondadong lungsod815 km2 (315 milya kuwadrado)
Taas
65 m (214 tal)
Populasyon
 (2017)
 • Antas-kondadong lungsod653,000
 • Kapal800/km2 (2,100/milya kuwadrado)
 • Urban
188,000
Sona ng orasUTC+8 (China Standard)
Postal code
273100
Qufu
Ang "Qufu" sa mga Tsinong karakter
Tsino曲阜
PostalKufow
Kahulugang literal"Baluktot na Burol"

Ang Qufu ay kilala bilang ang bayang sinilangan ni Confucio, na ayon sa tradisyon ay pinaniniwalaan na ipinanganak sa kalapit na Bundok Ni. Naglalaman ang lungsod ng maraming makasaysayang palasyo, templo, at sementeryo. Ang tatlong pinakatanyag na kultural na mga pook ng lungsod, na 三孔 samang kilala bilang San Kong (三孔; "ang Tatlong Confucianong [pook]", ay ang Templo ni Confucio (Tsino: ; pinyin: Kǒngmiào), ang Sementeryo ni Confucio (; Kǒnglín), at ang Mansiyon ng Pamilya Kong (; Kǒng). Magkasama, ang tatlong pook na ito ay nakatala bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO mula noong 1994.

Etimolohiya

baguhin

Ang pangalang Qufu ay literal na nangangahulugang "baluktot na burol", at tumutukoy sa isang milyang burol na bahagi ng lungsod noong panahon nito bilang kabesera ng estado ng Lu.[3]

Kasaysayan

baguhin
Qufu
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO

Sa panahon ng Shang, ang pook sa paligid ng Qufu ay tahanan ng mga tao ng Yan, na ibinilang ng mga Tsino sa mga "Silanganing Barbaro" o Dongyi . Kasama ang Pugu (sa paligid ng Binzhou) at Xu (sa tabi ng Ilog Huai), sumama si Yan sa prinsipe ng Shang na si Wu Geng at sa Tatlong Guwardiya sa kanilang nabigong paghihimagsik laban sa Duke ng Zhou c. 1042BK. Matapos ang pagkatalo ng mga rebelde, ang Duke ay naglunsad ng mga kampanyang pamparusa laban sa Dongyi, na pinilit ang kanilang pagpapasakop at inilagay ang kanilang teritoryo sa ilalim ng tapat na mga maharlika. Ang teritoryo ng Yan ay naging bahagi ng estado ng Lu, na ginawa ang Qufu na kanilang kabesera sa buong panahon ng Tagsibol at Taglagas. Ang lungsod na ito ay may mga pader na mas malaki kaysa kasalukuyang mga kuta noong panahon ng Ming, kabilang ang mas maraming lupain sa silangan at hilaga.

Mga Tala

baguhin

 

  1. "China Urban Construction Statistical Yearbook 2017". Ministry of Housing and Urban-Rural Development. 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-06-18. Nakuha noong 2020-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 曲阜市概况地图_行政区划网(区划地名网) www.xzqh.org. xzqh.org (sa wikang Tsino). Nakuha noong 2020-05-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 中国古今地名大词典 [Dictionary of Chinese Place-names Ancient and Modern]. Shanghai: Shanghai Lexicographical Publishing House. 2005. p. 1154.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)