Surah Al-'Adiyat
Ang Sūrat Al-ʿĀdiyāt (Arabiko: سورة العاديات ) (Yaong Mga Rumaragasa) ang ika-100 kapitulo ng Koran na may 11 bersikulo.
سورة العاديا Sūrat Al-ʿĀdiyāt | |
---|---|
Klasipikasyon | Makkan |
Ibang pangalan | The Chargers, The Assaulters |
Posisyon | Juzʼ 30 |
Blg. ng talata | 11 |
Blg. ng zalita | 40 |
Blg. ng titik | 168 |
Mga bersikulo
baguhinSa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Sumumpa ang Allâh sa pamamagitan ng mga kabayo na rumaragasa sa mga tinatakbuhan nito hanggang sa marinig ang kanilang paghagok dahil sa kanilang bilis.
2. At sa pamamagitan ng paghampas ng mga paa nito sa mga bato na nagdudulot ng tilamsik ng apoy dahil sa tindi ng hampas nito.
3. At sa mga sumasalakay sa kanilang mga kalaban sa madaling-araw.
4. Na nagdudulot ng makakapal na alikabok sa pinagdaraanan nito.
5. Na sumasalakay sa kalagitnaan ng kanilang mga kaaway.
6. Katiyakan, ang tao ay binabalewala niya ang mga biyaya ng kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha,
7. Na walang pag-aalinlangang inaamin niya ang pagtatangging ito.
8. At katunayan, siya ay gahaman sa kayamanan.
9. Hindi ba batid ng tao, kung ano ang naghihintay sa kanya kapag inilabas na ng Allâh ang mga patay mula sa kanilang mga libingan para sa paghuhukom at pagbabayad?
10. At ilalantad na ang anumang kinimkim ng mga dibdib, mabuti man o masama.
11. Katiyakan, ang kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha ay ‘Khabeer’ – Pinakadalubhasa na Ganap na Nakababatid sa kanila sa Araw na yaon at sa kanilang mga gawain, na walang anumang naililihim sa Kanya.