Surah Az-Zalzalah

(Idinirekta mula sa Quran 99)

Ang Sūrat Al-Zalzalah (Arabiko: سورة الزلزلة‎; "Ang Paglindol") ang ika-99 kapitulo ng Koran na may 8 bersikulo. Ito ay karaniwang inuuring isang Medinan sura.

Sura 99 ng Quran
الزلزلة
Al-Zalzalah
KlasipikasyonMakkan](pinagtatalunan)
PosisyonJuzʼ 30
Blg. ng talata8

Mga bersikulo

baguhin

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Kapag niyanig ang kalupaan ng matinding pagkayanig

2. At inilabas nito ang anumang nilalaman na mga patay at mga kayamanan ay magtatanungan na

3. Ang mga tao sa isa’t isa bilang pagkagulat: “Ano ba ang nangyayari sa kanya (sa kalupaang ito)?”

4. Sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay mag-uulat ang kalupaan hinggil sa anumang ginawa sa ibabaw nito, mabuti man o masama,

5. Dahil katiyakang ang Allâh ay uutusan itong mag-ulat.

6. Sa Araw na yaon ay tutungo ang mga tao mula sa lugar ng paghuhukom na hiwa-hiwalay na grupo at tutungo sila sa grupo na nararapat nilang paglagyan; upang ipakita ng Allâh kung ano ang kanilang ginawa na mga kasamaan at mga kabutihan, at ayon dito sila ay tutumbasan.

7. Na kung kaya, ang sinumang gumawa ng kahit na katiting na kating na kabutihan, ay makikita niya ang kanyang gantimpala sa Kabilang-Buhay,

8. At sino naman ang gumawa ng kahit na katiting na katiting na kasamaan ay makikita (rin) niya ang kanyang parusa sa Kabilang-Buhay.