Surah At-Takathur

(Idinirekta mula sa Quran 102)

Ang Sūrat al-Takāthur (Arabiko: سورة التكاثر‎) (Ang Paligsahan Hinggil Sa Makamundong Bagay) ang ika-102 kapitulo ng Koran na may 8 ayat.

Sura 102 ng Quran
التكاثر
At-Takāthur
KlasipikasyonMakkan
Ibang pangalanHoarding, Competition, Worldly Gain, Rivalry
PosisyonJuzʼ 30
Blg. ng talata8
Blg. ng zalita28
Blg. ng titik122

Mga bersikulo

baguhin

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Nalinlang kayo sa pagsunod sa Allâh ng inyong pagmamayabang sa pamamagitan ng pagpaparami ng kayamanan at mga anak.

2. At patuloy kayo sa kahibangan at pagkalinlang na ito hanggang sa kayo ay makarating sa mga libingan, at inilibing kayo roon.

3. Hindi ganito ang nararapat, na kayo ay magpalinlang sa pamamagitan ng pagpaparami ng inyong kayamanan, walang pag-aalinlangan, mapapatunayan ninyo, na ang buhay sa Kabilang-Buhay ang mas higit na makabubuti para sa inyo.

4. Muli, hindi ganito ang nararapat, na kayo ay magpalinlang, bagkus ay mag-ingat kayo dahil walang pag-aalinlangang mapapatunayan ninyo ang masamang bunga ng pagkalinlang sa inyo.

5. Hindi ganito ang nararapat, na kayo ay magpalinlang sa pamamagitan ng pagpaparami ng inyong kayamanan, kung batid lamang ninyo ang tunay na kaalaman ay lalayo kayo mula rito, at kaagad ninyong ililigtas ang inyong mga sarili mula sa pagkawasak,

6. At walang pag-aalinlangang makikita ninyo ang naglalagablab na Apoy ng Impiyerno.

7. At muli, walang pag-aalinlangan na ito ay katiyakang makikita ninyo!

8. Pagkatapos, katiyakang tatanungin kayo sa Araw ng Muling Pagkabuhay sa lahat ng uri ng mga biyaya na ipinagkaloob sa inyo.