Surah Al-'Asr

(Idinirekta mula sa Quran 103)

Ang Sūrat al-‘Aṣr (Arabiko: سورة العصر‎ ) (Ang Panahon) ang ika-103 kapitulo ng Koran na may 3 ayat. Ito ay pinaniniwalaang isang maagang Meccan sura bagaman itinuturing ito ng ilang mga komentador na isang Madinan sura. Ito ang ikalawang pinakamaikling sura pagkatapos ng Surah al-Kawthar.

Sura 103 ng Quran
العصر
Al-
KlasipikasyonMakkan
Ibang pangalanEventide, The Epoch, Time, Afternoon, The Flight of Time, Time through the Ages, Time and Age
PosisyonJuzʼ 30
Blg. ng talata3

Mga bersikulo

baguhin

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Sumumpa ang Allâh sa pamamagitan ng panahon

2. Na walang pag-aalinlangang ang lahi ni Âdam ay nasa pagkawasak at pagkatalo.

3. Maliban sa kanila na naging mananampalataya at gumawa ng mabubuting gawa, at nagpayuhan sila sa isa’t isa sa pananatili sa katotohanan, at pagsunod sa kagustuhan ng Allâh, at pagtitiis para rito.