An-Nur
Ang Liwanag[1] (Arabe: الْنُّور)[2] ay ang ika-24 na kabanata (surah) sa Quran, ang sentral na pang-relihiyong teksto ng Islam. Naglalaman ito ng 64 na talata (āyāt).
سورة النور An-Nūr Ang Liwanag | |
---|---|
Klasipikasyon | Madani |
Posisyon | Juzʼ 18 |
Hizb blg. | 36 |
Blg. ng Ruku | 9 |
Blg. ng talata | 64 |
Konteksto
baguhinNagsisimula ang surah sa iba't ibang pagpapaliwanag at utos sa o kaugnay sa masamang gawaing sekwal, batas pampamilya, at espesipikasyon sa pagbibigay ng testimonya. Pangunahin sa mga kautusang ito ang parusa ng Diyos para sa pangangalunya. Natapos ang seksiyon na may pahayag na ang mabubuting kalalakihan at kababaihan ay dapat magpares ng magkasama, tulad ng pagsasama ng masamang kalalakihan at kababaihan.[3] Ang talakayan ay naging pagmuni-muni sa pagkapribado at kahinhinan, partikular sa mga punong-abala at kababaihan. Naglalaman dito ang ilang alituntunin at paliwanag ng kahinhinan, na diretsong ginagamit sa karamihan sa tradisyon upang idahilan ang pagsusuot ng hijab. Pagkatapos ng paglalagay ng pagbabawal na ito sa kababaihan, itinuon ang atensyon sa mga kalalakihan, na hinihiling na huwag nilang apihin ang babeng alipin sa prostitusyon, at pakasalan ang mga babae na nangangailangan ng asawa, sa kabila ng kanilang kahirapan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Quran Tagalog Filipino in PDF Isinalin sa Wikang Tagalog nina Dr. Aboulkhair S. Tarason Ustadh Badi Udzaman S. Saliao at Muhammad M. Rodrigues Sinuri ni Dr. Muhammad Nadheer Ebil. Abril 2010.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ibn Kathir. "Tafsir Ibn Kathir (English): Surah Al Nur". Quran 4 U (sa wikang Ingles). Tafsir. Nakuha noong 23 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [Qur'an 24:2]