Surah Al-'Alaq
Ang Sūrat al-ʿAlaq (العلق "Ang Namuong Dugo") ang ika-96 kapitulo ng Koran na may 19 bersikulo. Ito ay pinaniniwalaang inihayag sa Mecca sa kwebang Hira. Ito ay minsan ring tinatawag na Sūrat al-Iqrā (إقرا, "Basahin").
العلق Al-ʻAlaq | |
---|---|
Klasipikasyon | Makkan |
Alternatibong pamagat (Ar.) | سورة إقرا (Sūrat Iqrā) |
Ibang pangalan | The Embryo, The Clinging Form, The Clinging-Clot, The Clot, The Germ-Cell, Read |
Posisyon | Juzʼ 30 |
Blg. ng talata | 19 |
Blg. ng Sajdah | verse 19 |
Mga bersikulo
baguhinSa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Bigkasin mo, O Muhammad, ang anumang ipinahayag sa iyo na mula sa Banal na Qur’ân bilang iyong pagsisimula! Sa Pangalan ng iyong ‘Rabb’ na Bukod-Tanging Tagapaglikha,
2. Na Siya ang lumikha ng lahat ng tao mula sa namumuong dugo na malapot. Bigkasin mo, O Muhammad, ang anumang ipinahayag sa iyo!
3. At katiyakan, ang iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha ay sagana sa kabutihan at malawak ang Kagandahang-loob,
4. Na Siya ang nagturo sa Kanyang nilikha ng pagsusulat sa pamamagitan ng panulat,
5. Na tinuruan Niya ang tao ng bagay na hindi nito alam, at iniahon Niya mula sa kadiliman at kamangmangan tungo sa liwanag ng kaalaman.
6. Katiyakan, ang tao ay lumampas sa hangganan na itinakda ng Allâh
7. Dahil siya ay nagmayabang sa kanyang yaman, na kung kaya, dapat na mabatid ng sinumang lumampas sa hangganan ng katotohanan,
8. Ang kanyang pagbabalik ay tungo sa Allâh na iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha.
9. Nakakita ka ba, O Muhammad, ng mas higit pa na kamangha-mangha sa kanyang pagiging masama kaysa sa kanya na naghaharang – siya ay si Abu Jahl –
10.Sa Aming alipin kapag siya ay nagsasagawa ng ‘Salâh’ sa kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha – siya ay si Muhammad.
11. Ano kaya ang masasabi mo, kung siya (Muhammad) ba na pinagbabawalang magsagawa ng ‘Salâh’ ang nasa patnubay, na kung gayon, bakit siya pinagbabawalan?
12. O di kaya siya ba na nag-utos sa iba ng pagkatakot ay karapat-dapat ba siyang pagbawalan?
13. Ano sa tingin mo, kung siya (Abu Jahl) ba (na walang pananampalataya) na nagbabawal, na tinanggihan ang anumang paanyaya sa kanya at tumalikod?
14. Hindi ba niya batid na ang Allâh sa katotohanan ay nakikita ang anuman na kanyang ginagawa? Ang katotohanan ay hindi ang yaong kanyang ginagawa!
15. Na kung kaya, kapag hindi siya tumigil sa kanyang pagiging masama At sa kanyang pagdudulot ng kapinsalaan ay pupuksain Namin siya na kakaladkarin mula sa harapan ng kanyang noo nang mahigpit na pagkaladkad at siya ay itatapon sa Impiyerno,
16. Na ang noo niyang ito ay isang sinungaling na noo sa sinasabi nito at mali sa ginagawa nito.
17. Na kung kaya, tawagin na niya – siya na sukdulan ang kasamaan – ang sinuman na kanyang nais na tawagin upang makahingi siya ng saklolo, dahil walang pag-aalinlangan,
18. Tatawagin (aatasan) Namin ang mga anghel na tagapagparusa!
19. Ang katotohanan ay hindi ang yaong iniisip ni Abu Jahl! Katiyakan, hindi ka niya maipapahamak, O Muhammad, na kung kaya, huwag mo siyang sundin sa anuman na kanyang ipinag-aanyaya sa iyo, na tumigil sa pagsasagawa ng ‘Salâh,’ bagkus ay magpatirapa ka sa iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, at lumapit ka sa Kanya sa pamamagitan ng pagmamahal sa Kanya bilang pagsunod sa Kanyang mga ipinag-uutos.