Rasismo

(Idinirekta mula sa Racism)

Ang rasismo ay ang diskriminasyon at pagtatangi laban sa mga tao batay sa kanilang lahi o etnisidad. Maaring nasa mga kilusang panlipunan, kasanayan, o sistemang pampolitika (hal. aparteid) ang rasismo na sinusuporta ang pagpapahayag ng pagatatangi o iniiwasan ang mga gawaing may diskriminasyon. Madalas na ipinapalagay ang ideolohiyang pinagbabatayan ng mga gawaing rasista na maaaring hatiin ang mga tao sa mga natatanging pangkat na naiiba sa kanilang panlipunang pag-uugali at likas na mga kakayahan at maaaring iuri bilang mas mababa o mas mataas. Maaaring mahayag sa maraming aspeto ng buhay panlipunan ang ideolohiyang rasista. Maaring mapabilang sa mga nakaugnay na mga aksyong panlipunan ang natibismo, senopobiya, pagiging iba, segregasyon, at ibang kaugnay na nangyayari sa lipunan.

Hiwalay na "puti" at "may kulay" na pasukan sa isang kapihan sa Hilagang Carolina, 1940

Habang tinuturing ang mga konsepto ng lahi at etnisidad na hiwalay sa kontemporaryong agham panlipunan, may mahabang kasaysayan ang dalawang katawagan ng pagkakapareho sa popular na gamit at mas lumang panitikang agham pampolitika. Kadalasang ginagamit ang "etnisidad" sa isang tradisyonal na kahulugang malapit na iniuugnay sa "lahi", ang paghahati ng mga pangkat ng tao batay sa mga katangiang ipinapalagay na mahalaga o likas sa grupo (hal. parehong lipi o parehong pag-uugali). Kadalasang ginagamit ang "rasismo" at "diskriminasyon sa lahi" upang isalarawan ang diskriminasyon batay sa etnisidad o kalinangan, na kadalasang malaya sa kung anuman ang paglalarawan ng pagkakaibang ito bilang panlahi. Sang-ayon sa Kumbensyon sa Pag-aalis ng Lahat ng Anyo ng Diskriminasyon sa Lahi ng Mga Nagkakaisang Bansa, walang kaibahan sa pagitan ng mga katawagang "panlahi" at "etniko" na mga diskriminasyon. Dinagdag pa dito na ang superyoridad batay sa pagkakaiba-iba ng lahi ay hindi totoo ayon sa siyensiya, moral na kinukondena, hindi makatarungan sa lipunan, at mapanganib. Dineklera din sa kumbesyon na walang pagkamakatarungan para sa diskriminasyon sa lahi, kahit saan, sa teoriya man o sa kasanayan.[1]

Maladas na isinasalarawan ang rasismo bilang isang medyo makabagong konsepto, na nagmula sa panahon ng imperyalismong Europeo, ang kasunod na paglago ng kapitalismo, at lalo na ang kalakalang Atlantiko ng alipin,[2][3] na ito ang pangunahing puwersang nagpapatakbo.[4] Ito rin ang pangunahing puwersa sa likod ng segregasyon ng lahi sa Estados Unidos noong ika-19 at maagang ika-20 dantaon, at ng aparteid sa Timog Aprika; ang rasismo noong ika-19 at ika-20 dantaon sa kalinangang Kanluranin ay partikular na mahusay na dokumentado at binubuo ang isang punto ng sanggunian sa mga pag-aaral at diskurso tungkol sa rasismo.[5] May papel na ginampanan ang rasismo sa mga henosidiyo o pagpatay ng lahi tulad ng Holokausto, henosidiyong Armenyo, henesidiyong Ruwandes, at ang Henesidiyo ng mga Serbya sa Malayang Estado ng Kroasya, gayon din ang mga proyektong kolonyal kabilang ang kolonisasyong Europeo ng Kaamerikahan, Aprika, Asya, at ang paglipat ng populasyon ng Unyong Sobyet kabilang ang deportasyon ng mga minoryang katutubo.[6] Ang mga katutubo ay kadalasang naging—at kasalukuyan—napapailalim sa mga pagtinging rasista.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination" (sa wikang Ingles). Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights. Disyembre 21, 1965. Nakuha noong Disyembre 23, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Dennis, R. M. (2004). "Racism". Sa Kuper, A.; Kuper, J. (mga pat.). The Social Science Encyclopedia, Volume 2 (sa wikang Ingles) (ika-ika-3 (na) edisyon). London; New York: Routledge. ISBN 978-1-134-35969-1. Racism [is] the idea that there is a direct correspondence between a group's values, behavior and attitudes, and its physical features ... Racism is also a relatively new idea: its birth can be traced to the European colonization of much of the world, the rise and development of European capitalism, and the development of the European and US slave trade.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lieberman, Leonard (1997). ""Race" 1997 and 2001: A Race Odyssey" (PDF) (sa wikang Ingles). American Anthropological Association. p. 2. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-01-10. Nakuha noong 2024-02-01. In the period since 1492, European overseas empires and colonies were established ... The establishment of mines and plantations enriched Europe while impoverishing and decimating the conquered and enslaved peoples in Africa and the New World. The race concept helped to give all this the appearance of scientific justification.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Fredrickson, George M. (1988). The arrogance of race: historical perspectives on slavery, racism, and social inequality (sa wikang Ingles). Middletown, Conn: Wesleyan University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Reilly, Kevin; Kaufman, Stephen; Bodino, Angela (2003). Racism: a global reader (sa wikang Ingles). Armonk, NY: M. E. Sharpe. pp. 45–52. ISBN 978-0-7656-1060-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Martin, Terry (1998). "The Origins of Soviet Ethnic Cleansing" (PDF). The Journal of Modern History (sa wikang Ingles). 70 (4): 813–861. doi:10.1086/235168. JSTOR 10.1086/235168. S2CID 32917643.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)