Ang mga radio galaxy[1] at mga kahalintulad, mga radio-loud quasar at blazar, ay mga uri ng active galaxy na napaka-luminous sa radio wavelength, na may luminosity hanggang sa 1039 W sa pagitan ng 10 MHz at 100 GHz.[2] Ang radio emission ay dulot ng synchrotron process. Ang naoobservang estruktura sa radio emission ay natutukoy sa interkasiyon ng twin jet at ng panlabas na medium, na binago ng epekto ng relativistic beaming. Ang host galaxy ay halos eksklusibong malaking elliptical galaxy. Ang mga radio-loud active galaxy ay maaaring makita sa malaking distansya, kaya ang mga ito ay nagiging mahalagang kasangkapan para sa observational cosmology. Kamakailan lamang, maraming trabaho ang natapos sa epekto ng mga bagay na ito sa intergalactic medium, lalo na sa galaxy groups at clusters.

Ang larawang false-color ng kalapit na radio galaxy na Centaurus A, na nagpapakita ng radyo (pula), 24-micrometre infrared (berde) at 0.5-5 keV X-ray emission (asul). Ang jet ay maaaring makita na nag-e-emit ng synchrotron radiation sa tatlong waveband. Ang mga lobe ay nag-e-emit lamang sa radio frequency range, kaya lumitaw na pula. Ang mga gas at alikabok sa galaxy ay nag-e-emit ng thermal radiation sa infrared. Ang thermal X-ray radiation mula sa hot gas at non-thermal emission mula sa mga relativistic electron ay makikita sa mga asul na 'shell' sa paligid ng mga lobe, lalo na sa timog (ibaba).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sa Espanyol: Radiogalaxia, maaring baybayin na radyogalaksiya.
  2. FANAROFF-RILEY CLASSIFICATION

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.