Si Raven Villanueva (ipinanganak noong Agosto 12, 1976) ay isang artista, modelo, pintor, vlogger at trabahador sa otel at alahasan. Ipinanganak siya sa Bagong Jersey, Estados Unidos at nagkaroon ng karera sa Pilipinas. Pinakakilala siya sa pagganap niya bilang Christina "Cris" de Guzman sa T.G.I.S., isang seryeng pangkabataang na palabas sa telebisyon na sumikat noong huling bahagi ng dekada 1990. Bukod sa pagiging pangunahing karakter sa T.G.I.S., lumabas din siya sa pelikula tulad ng Dos Ekis, Mama San, at Lastikman. Nandoon din siya sa T.G.I.S.: The Movie, ang bersyong pelikula ng T.G.I.S. noong 2002.

Raven Villanueva
Kapanganakan (1976-08-12) 12 Agosto 1976 (edad 48)
NasyonalidadPilipino
TrabahoArtista, modelo, pintor, trabahador sa otel at alahasan. vlogger
Aktibong taon1995–2010
Kilala saT.G.I.S.
AsawaDiego Castro III (diborsiyado)
Anak2

Maliban sa pagiging artista, nagtrabaho din siya sa Guam sa isang otel at tindahan ng alahas sa loob ng halos dalawang taon. May talento din siya sa pagpipinta at nanalo sa isang patimpalak ng sining noong bata pa siya. Naging modelo din siya at lumitaw ang kanyang mga larawan sa isang magasin at websayt.

Maagang buhay

baguhin

Ipinanganak si Raven Villanueva sa Bagong Jersey, Estados Unidos.[1] Ang kanyang ama na si Enzo Villanueva ay nagpipinta sa langis ng mga inukit sa kahoy (wood carved oil painting).[1] Namana ni Raven ang pagiging pintor ng ama dahil mahilig siyang magguhit at nanalo siya sa isang pagligsahan ng pagguhit sa eskuwela.[1] Akriliko ang kanyang midyum sa pagpinta.[1]

Noong nasa ikaanim na baitang sa paaralan si Raven, lumipat at nanirahan na sila sa Maynila at nag-aral sa isang mataas na paaralan sa Parañaque.[1] Noong 2000, nang napunta sa Guam, pumasok siya sa Unibersidad ng Guam at kumuha ng kursong Pinong Sining (Fine Arts) sa dalawang semestre.[1]

Karera

baguhin

Sa mga unang mga taon niya sa shobis sa Pilipinas, napasama siya sa variety show (palabas na samut-sari) na That's Entertainment.[1] Labis nakilala si Raven Villanueva nang lumabas bilang Christina "Cris" de Guzman sa T.G.I.S. (Thank God It's Sabado), isang seryeng pangkabataang na palabas sa telebisyon na umere sa GMA Network mula 1995 hanggang 1997.[2] Pangunahin niyang katambal sa serye ang karakter ni Michael Flores na si Mickey "Migs" Ledesma.[2] Kasama din niya ang ibang pang artista sa serye na sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Red Sternberg, bukod sa iba pa,[3] at nandoon rin si Raven sa sumunod na serye ng T.G.I.S. na Growing Up[4] na umere mula 1997 hanggang 1999 sa GMA Network din.[3] Napasama din siya sa seryeng dramang pantelebisyon na Ikaw Lang ang Mamahalin.[5]

Sa mundo ng pelikula, lumabas si Raven sa Dos Ekis noong 2001 sa ilalim ng Viva Films.[6] Kasama niya dito sina Rica Peralejo at Mark Anthony Fernandez sa direksyon ni Erik Matti.[7] Napasali din siya sa bersyong pelikula ng T.G.I.S. na T.G.I.S.: The Movie noong 1997 na nilabas din ng Viva Films.[8] Lumabas siya pelikulang aksyon-drama na Hari ng Selda: Anak ni Baby Ama 2 kasama sina Robin Padilla at Angelika Dela Cruz.[9] Noong 2007, isa siya sa mga gumanap sa pelikulang Troika kung saan ang huling pelikula na kanyang nilabasan.[10][11]

Tumigil ng halos dalawang taon ang kanyang pag-aartista hanggang 2001 at nagtrabaho sa isang otel at tindahan ng alahas sa Guam.[12][13] Bagaman, naging bisitang artista siya sa Kool Ka Lang, isang komedyang programang pantelebisyon ng GMA Network, nang nagkaroon ng episodyo ang programa sa Guam.[12] Bukod dito, naging isang modelo siya at lumabas ang kanyang mga litrato sa FHM Philippines.[2]

Noong 2007, nang hindi na lumabas sa mga pelikula at palabas pantelebisyon, naging malayang modelo (o freenlancer) siya,[14] at naging taga-asikaso ng galeriyang sining ng pamilya at pinagpatuloy ang hilig sa pagpipinta.[1] Noong 2010, lumabas ang litrato ni Raven sa isang websayt na nagngangalang Model Mayhem[11] at tinagurian siyang isa sa mga Dangerous Doll at binansagan Ravenous Raven ng websayt na yaon.[15] Naging vlogger din siya at nagkaroon ng tsanel sa YouTube.[16]

Pansariling buhay

baguhin

Kinasal si Raven kay Angelo Diego Castro III, anak ng mga mamamahayag na sina June Keithley at Angelo Castro Jr.[12] Isang artista din si Diego at lumabas sa Gimik ng ABS-CBN,[17] ang karibal na palabas ng T.G.I.S.[2] Kinasal sina Raven at Angelo sa Estados Unidos noong 1998[18] at nagkaroon sila ng isang anak.[19] Sa kalaunan, nagdiborsyo sila.[5] Ang kanilang anak na nagngangalang Claire Castro ay naging artista din[20] at nakontrata ngayon sa Sparkle GMA Artist Center.[21][22]

Muling kinasal si Raven sa isang pastor na Amerikano at mayroon silang isang anak na lalaki.[16] Nagsasama sila sa Ohio, Estados Unidos.[5]

Pilmograpiya

baguhin

Pelikula

baguhin
  • April Boys: Sana'y Mahalin Mo Rin Ako (1996)
  • Wanted: Perfect Mother (1996)
  • Are You Afraid of the Dark? (1996)
  • Where 'D Girls 'R (1996)
  • T.G.I.S.: The Movie (1997)
  • Honey, Nasa Langit Na Ba Ako? (1998)
  • Dos Ekis (2001)
  • Hari Ng Selda: Anak ni Baby Ama 2 (2002)
  • Mama San (2002)
  • Lastikman (2003)
  • Troika (2007)

Telebisyon

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 Francisco, Butch (2007-10-13). "A passion for painting". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Anarcon, James Patrick (2018-08-22). "WHERE ARE THEY NOW: TGIS Batch 1 stars". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Caquina, Jeans (2021-03-27). "T.G.I.S. was a game changer in 90s youth TV". POP! (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Llanes, Rommel B. (2020-09-02). "Remember when Angelu de Leon almost cried revealing this Growing Up trivia?". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 "Where is former sexy star Raven Villanueva now?". Push (sa wikang Ingles). ABS-CBN. Agosto 15, 2020. Nakuha noong Hulyo 5, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Dos Ekis - Rotten Tomatoes". www.rottentomatoes.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Asis, Salve V. (2001-10-16). "Rica, nasarapan sa halik ni Mark !". www.philstar.com. Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Eusebio, Aaron Brennt (2020-09-01). "Full episodes ng '90s youth-oriented show na 'T.G.I.S.,' mapapanood na online!". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Asis, Salve V. (2002-02-23). "Robin, marami pa ring kaibigan sa Bilibid". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Francisco, Butch (2007-02-03). "A melange of fine film elements". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 "Parazzi Chikka: Raven Villanueva, tadtad ng tattoo sa katawan! - Pinoy Parazzi". www.pinoyparazzi.net. 2010-03-05. Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 12.2 Lo, Ricky (2001-10-17). "Says the Raven, 'Nevermore!'". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Samio, Veronica R. (2001-10-12). "Raven Villanueva, nagpakita ng boobs!". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Whatever happened to…". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). 2009-12-29. Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Anadia, Sanden (2010-03-10). "Bag-ong negosyo ni Mark". Philstar.com (sa wikang Cebuano). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 Abellon, Bam V. (2020-08-12). "T.G.I.S is 25 years old: Where's the original barkada now?".{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Salvosa, Isabel (2018-05-24). "Diego Castro: from teen idol to news anchor to cancer awareness advocate". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Lo, Ricky (2004-08-12). "The 30 Days experiment". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Ramos, Jansen (2020-05-27). "IN PHOTOS: Claire Castro, the beautiful daughter of Diego Castro and Raven Villanueva". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Gabinete, Jojo (2021-12-02). "Claire Castro, umaasang mag-reconnect sa inang si Raven Villanueva". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Aquino, Maine (2023-02-02). "Hottest swimsuit looks of Sparkle Ladies". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Geli, Bianca (2018-11-01). "Claire Castro, anak ng '90s stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva, Kapuso na!". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin