Si Rebecca del Rio (Enero 31, 1929 – Marso 11, 2010) ay isang premyadong aktres at magaling na kontrabida na sumikat sa bakuran ng Sampaguita Pictures. Sa mga nauna niyang pelikula ay suporta lamang siya subalit lumabas ang galing niya sa pagkakontrabida ng gumanap siya bilang anak ng kanyang madrasta sa pelikulang Cofradia (1953), at ang pinakahihintay ng marami sa pelikulang ito ay ang paggulong-gulong nina nina Rebecca at Gloria Romero habang nagsasabunutan sila sa sahig.

Rebecca Tushinsky
Kapanganakan31 Enero 1929(1929-01-31)
Sierra Bullones, Bohol, Philippines
Kamatayan11 Marso 2010(2010-03-11) (edad 81)
TrabahoActress, caregiver
Aktibong taon1933 - 2010
ParangalAsia's Best Actress

Muling nakitaan ng galing si Rebecca ng gampanan niya ang papel ng isang kolehiyalang taga-Maynila na naging kontrabida laban sa isang Dalagang Ilocana na ginampanan naman ni Gloria Romeo.

Taong 1955 ng bitawan siya ng Sampaguita Pictures at lumipat sa kalabang istudyo ang LVN Puctures at gawin ang unang pelikula niya ang Dinayang Pagmamahal nina Charito Solis at Jaime dela Rosa.

Pelikula

baguhin

Tribya

baguhin
  • alam ba ninyo na si Rebecca del Rio ay nanalo sa FAMAS noong 1958 dahil sa makatotohanang pagganap niya sa pelikulang Malvarosa (1958)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.