Sanggunian

(Idinirekta mula sa Referent)

Ang sanggunian ay isang ugnayan sa pagitan ng mga bagay kung saan ang isang bagay ay nagtatakda, o gumaganap bilang isang paraan upang umugnay o kumawing sa isa pang bagay. Ang unang bagay sa ugnayang ito ay sinasabing tumutukoy sa pangalawang bagay. Ang ikalawang bagay na ito - ang bagay na tinutukoy ng unang bagay.

Ang katagang sanggunian ay ginagamit sa maraming mga kalipunan, sakop, o saklaw ng kaalaman ng tao, na umaako ng mga antas ng kahulugan na partikular sa mga diwa o mga konteksto na pinaggagamitan nito. Ang mga sanggunian ay maaaring magkaroon ng maraming mga hubog, kabilang na ang isang kaisipan, isang pagkaunawa ng pandama katulad ng narinig (onomatopoeia), natanaw (teksto), naamoy, o nahipo, katayuan ng damdamin (emosyon), kaugnayan sa sa iba pa,[1] koordinado ng espasyo-panahon, simboliko, isang bagay na pisikal o isang pagtudla ng enerhiya; subalit, umiiral ang iba pang konkreto at abstraktong mga konteksto bilang mga paraan ng paglalarawan o pagbibigay ng kahulugan na nasa loob ng sakop ng sari-saring mga larangan na nangangailangan ng isang pinagmulan, tuldok ng paglisan, isang pormang orihinal. Kabilang dito ang mga metodo na sadyang nagkukubli ng sanggunian o pagtukoy mula sa ilang mga tagapagmasid, katulad ng sa kriptograpiya.

Ang isang talaan ng mga sanggunian ay tinatawag na talasanggunian.

Mga uri

baguhin

Kabilang sa mga uri ng sanggunian ang primaryang sanggunian at ang sekundaryang sanggunian. Ang primaryang sanggunian ay ang impormasyong galing sa mismong taong nakasaksi ng pangyayari. Halimbawa na si Chavit Singson na saksi sa labanang Pacquiao vs. Bradley. Ang sekundaryang sanggunian ay ang tawag sa impormasyong galing sa iba, na nalaman lang natin dahil sa taong nakasaksi sa pangyayari. Halimbawa na ang mula sa aklat o diyaryo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Treanor, Brian, Aspects of alterity: Levinas, Marcel, and the contemporary debate, Fordham University Press, 2006, p.41

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.