Reinabelle Reyes
Si Reinabelle "Reina" Reyes (ipinanganak 1984[1][2]) ay isang siyentipiko, astronomo, at astropisistang Pilipina. Nakamit niya ang Chambliss Astronomy Achievement Student Award noong 2008 dahil sa pagkakatuklas ng nakakubling mga quasar,[2] isang mahalagang pagkakadiskubre na makapagpapabago sa nilalaman ng mga aklat na pang-agham.[2][3][4]
Reinabelle Reyes | |
---|---|
Kapanganakan | 1984 |
Ibang pangalan | Reina Reyes |
Trabaho | siyentipiko, astronomo, at astropisista |
Kilala sa | Pagkakatuklas na nakakubling mga kwasar (mga itim na butas sa kalawakan) |
Talambuhay
baguhinAnak na babae si Reyes ng mga magulang na San Juaneño[3] na sina Ramon Reyes, dating pangulo ng San Juan Lion’s Club, at ni Botan Co Reyes, na nakatira sa Lungsod ng San Juan, Pilipinas.[3]
Nagsimula ang kanyang pagkahumaling sa kalawakan at kosmolohiya nang makatanggap si Reyes ng isang teleskopyo mula sa kanyang ama, noong sampung taong gulang pa lamang siya. Bilang isang batang babae, nagbasa siya ng mga aklat hinggil sa agham at sanlibutan.[2]
Edukasyon
baguhinIsa siyang iskolar ng Meritong Pangsiyensiya ng Departmento ng Agham at Teknolohiya ng Pilipinas mula 2001 hanggang 2005. Noong 2001, nagtapos siya bilang balediktoryan mula sa Philippine Science Highschool. Pagkaraan nito, tumanggap siya ng pang-akademikong iskolarsip mula sa Pamantasang Ateneo de Manila mula 2001 hanggang 2005. Noong 2005, nakamit niya ang kaniyang degring Batsilyer sa Pisika, bilang summa cum laude, mula sa Pamantasang Ateneo de Manila. Noong 2006, nag-aral siya ng Pisika ng Partikulo, isang pang-master o nasa antas na pang-maestrong pag-aaral ng Pisikang may Mataas na Enerhiya, sa Abdus Salam International Center for Theoretical Physics sa Trieste, Italya. Nag-aaral siya sa kasalukuyan sa Pamantasan ng Princeton sa Bagong Jersey upang makamit ang kanyang Ph.D. sa astropisika.[2][3]
Mga pagkilala at parangal
baguhinNoong Enero 2008, nakamit ni Reyes ang Chambliss Astronomy Achievement Student Award (kinabibilangan ng isang medalya at sertipiko[3]) nang ganapin ang ika-211[3] taunang pagpupulong ng American Astronomical Society (isang samahan ng mga dalubhasang astronomo sa Hilagang Amerika na itinatag noong 1899[3]) sa Austin, Tehas, dahil sa pagiging bahagi at pinuno ng pagkakatuklas sa tinatawag na mga obscured quasar o nakakubling malalaking bagay na radyoaktibo sa kalawakan, partikular na ang dating hindi pa natutuklasang malalaking mga butas na itim sa kalawakan. Nakatagpo sina ng Reyes ng 900 mga itim na butas ng kalawakan. Limang taon ang iginugol ni Reyes at ng kanyang mga kasama, sa pangunguna nina Nadia Zakamska ng Institute of Advanced Study at nasa ilalim ng pangangasiwa ni Michael Strauss, isang propesor. [5][4][2][3] Noong 2008, kaugnay ng gantimpalang Chambliss, pinarangalan din si Reyes ng Lungsod ng San Juan sa pangunguna ni Konsehal Dante Santiago.[3]
Nakatanggap pa rin si Reyes ng mga sumusunod na parangal at pagkilala:[3]
- Centennial Fellowship, Paaralan ng Nagsipatapos ng Pamantasan ng Princeton (2006-2010)
- Merit Prize Fellowship Grant, Pamantasan ng Nagsipagtapos ng Pamantasan ng Princeton (2006-2010)
- Martin Schwarschild Graduate Fellowship, Pamantasan ng Princeton University (2006-2007)
Mga akda
baguhin- Improved Optical Mass Tracer for Galaxy Clusters Calibrated Using Weak Lensing Measurements (2008) (kasama sina Rachel Mandelbaum, Christopher M. Hirata, Neta Bahcall, at Uros Seljak)[6][7]
- Space Density of Optically-Selected Type 2 Quasars (2008) (kasama sina Nadia L. Zakamska, Michael A. Strauss, Joshua Green, Jualian H. Krolik, Yue Shen, Gordon Richards, Scott Anderson, at Donald Schneider.[8][7]
Mga pananaliksik
baguhinNagsasagawa rin si Reyes ng mga proyekto ng pananaliksik ukol sa pagsubok sa dagisik na may malawakang pagsukat na ginagamitan ng mga pagsusuring kosmolohiko, paghadlang sa amplitudo ng mga pagbabagu-bago o pluktuwasyon na ginagamitan ng mga bungkos ng galaksiya, emisyon o singaw ng mga alikabok sa ispektrang inprared ng mga galaksiyang SINGS, at Kometaryong mga Buhol sa palaigid ng Nebulang Planetaryo ng Heliks.[9][3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ayon sa Philippine Daily Inquirer, 24 na taong gulang na si Reyes noong 2008.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Uy, Jocelyn. Filipina wins science award for ‘black holes’ Naka-arkibo 2009-10-20 sa Wayback Machine., Philippine Daily Inquirer, Marso 23, 2008]
- ↑ 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 3.10 Clapano, Jose Rodel. Pinay Reinabelle Reyes receives Astronomy Award Naka-arkibo 2009-04-29 sa Wayback Machine., San Juan youth receives Astronomy award, Pinay receives astronomy achievement award in US], Philippine Star, PhilippinesToday.net, Abril 8, 2008.
- ↑ 4.0 4.1 Hidden Population of Powerful Black Holes Revealed in Large Sky Survey, PhysOrg.com, (…) "A team of Sloan Digital Sky Survey (SDSS-II) scientists, led by Princeton University's Reinabelle Reyes and including astronomers at Penn State, has identified a large number of "hidden quasars" -- supermassive black holes in the centers of galaxies that are shrouded in light-absorbing dust and gas." (…) , Enero 9, 2008.
- ↑ SDSS reveals hidden population of powerful black holes, SDSS.org
- ↑ Reyes, Reinabelle atbp. Improved Optical Mass Tracer for Galaxy Clusters Calibrated Using Weak Lensing Measurements (2008)[patay na link], ScientificCommons.org
- ↑ 7.0 7.1 Reyes, Reinabelle atbp. Improved Optical Mass Tracer for Galaxy Clusters Calibrated Using Weak Lensing Measurements at Space Density of Optically-Selected Type 2 Quasars Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine., EprintWeb.org
- ↑ Reyes, Reinabelle. Space Density of Optically-Selected Type 2 Quasars (2008)[patay na link], ScientificCommons.org
- ↑ Salin ng mga pamagat o katawagang Ingles para sa mga pananaliksik na isinasagawa ni Reyes, na: Testing gravity on large scales using cosmological observations; Constraining the amplitude of fluctuations using galaxy clusters; Dust emission in the infrared spectra of SINGS galaxies; at Cometary Knots around the Helix Planetary Nebula.
Mga panlabas na kawing
baguhin- Reinabelle Reyes Naka-arkibo 2009-05-04 sa Wayback Machine. (opisyal na websayt), Astro.Princeton.edu
- Larawan ni Reinabelle Reyes[patay na link], mula sa Kickapps.com