Republika ng Lucbuan

Ang Pamahalaang Rebolusyonaryong Diktatorial ng Lucbuan, madalas na tinatawag bilang "Republika ng Lucbuan" o "Republikang Lucbuan" ay isang estado sa isla ng Lucbuan na panandaliang namuno sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Ito ay naitatag upang humiwalay sa administrasyon ni Pangulong Emilio Aguinaldo.

Pamahalaang Rebolusyonaryong Diktatorial ng Lucbuan
Republika ng Lucbuan
1899–1902
Mapa ng teritoryo ng Republika ng Lucbuan simula 1899-1902 sa ilalim ni Don Casiano Padon.
Mapa ng teritoryo ng Republika ng Lucbuan simula 1899-1902 sa ilalim ni Don Casiano Padon.
KabiseraLucbuan
Karaniwang wikaCuyonon, Tagalog at Kastila
Relihiyon
Katolisismo
PamahalaanPamahalaang Rebolusyonaryong Diktatoryal
• Gobernador
Don Casiano Padon
Kasaysayan 
• Itinatag ni Don Casiano Padon
1899
• Pananakop ng mga Amerikano
1902
Pinalitan
Pumalit
Unang Republika ng Pilipinas
Pamahalaang Militar ng Estados Unidos sa Kapuluan ng Pilipinas

Pagtatatag ng republika

baguhin

Bago pa man maitatag ang Republika ng Lucbuan ay sinimulan na ni Padon ang pagsasaayos ng isang pamahalaan noong Agosto 1898 dahil na rin sa panghihikayat ng mga mamamayan ng Lucbuan. Nanganib ang mga buhay ng mga taga-Lucbuan at kaya naman ay kinailangan nila ng isang pamahalaan na magpapaniguro ng kanilang seguridad at kapayapaan.

Matapos ang pagdating ng kinatawan ng Probinsya ng Calamianes galing Bulacan noong mga huling araw ng 1898 ay hindi masyadong nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuno sa buong kapuluan ng Cuyo at ng Palawan sapagkat ang mga mamamayan nito ay nakaranas ng pangmamalupit ng mga kasalukuyang mga namamahala sa rehiyon. Naapektuhan dito ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Lucbuan at pati na rin dahil sa kawalan ng bisang mamuno ng mga namamahala ng Calamianes. Sa panahong ito ay nagsilikas na ang mga Kastila sa kabuuan ng Palawan sa Borneo upang makabalik sa Espanya.

Kakaunti lamang ang nakakilala kay Aguinaldo, at kaya naman ay hindi masyadong nagustuhan ng mga taga-Lucbuan na pamahalaan sila ng mga kinatawang mga Tagalog sa ilalim ni Aguinaldo.

Kaya naman ay itinatag ang Republika ng Lucbuan ni Don Casiano Padon noong 30 Mayo 1899 at siya mismo bilang Gobernador ng pamahalaan. [1][2]

Pananakop ng mga Amerikano

baguhin

Hindi nagtagal ang republikang ito nang maisaayos ang Probinsya ng Calamianes ng mga Amerikano noong 23 Hunyo 1902 sa ilalim ng "Philippine Commission Act 422". Ito'y sinabayan na rin ng pananakop ng mga sundalong Amerikano sa isla ng Lucbuan. Dito na rin nagtapos ang Republikang Lucbuan. [1]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-04. Nakuha noong 2021-03-10.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://www.facebook.com/palawanstudies/videos/906562713172265