Si Reuben Rabe Canoy (isinilang Hunyo 6, 1929 sa Cagayan de Oro - namatay Hulyo 5, 2022) ay isang Pilipinong manananggol, komentarista at tagapagtaguyod ng pederalismo na naging alkalde at mambabatas sa mga dekadang 1970 at 1980.


Reuben R. Canoy
Kasapi ng Batasang Pambansa mula sa Rehiyon X
Nasa puwesto
Hunyo 12, 1978 – Hunyo 5, 1984
Personal na detalye
Isinilang6 Hunyo 1929(1929-06-06)[1]
Cagayan de Oro[1]
Yumao5 Hulyo 2022(2022-07-05) (edad 93)
Cagayan de Oro
KabansaanPilipino
AsawaSolona Torralba[1]

Maagang buhay at edukasyon

baguhin

Anak nina Mariano Canoy at Laureana Rabe,[2] si Reuben Canoy ay nagtapos ng kanyang degree sa abogasya noong 1953 sa Pamantasang Silliman. Siya ay naging isa sa mga co-editor ng literary folio na Sands & Coral noong 1951 at 1953 at patnugot ng nasabing babasahin noong 1952.[3]

Buhay pampulitika at adbokasiya

baguhin

Tumakbo at nanalo si Canoy bilang alkalde ng lungsod ng Cagayan de Oro noong 1971 at siya'y naglingkod sa nasabing posisyon hanggang 1976. Kasama sina Aquilino Pimentel, Jr. at Homobono Adaza, binuo nila ang Mindanao Alliance. Naihalal si Canoy noong 1978 bilang kinatawan ng Rehiyon X sa Batasang Pambansa at natatanging kandidato ng mga puwersang oposisyon sa ilalim ng nasabing lapian.[1][4] Noong 1979, isinulat nya ang Real Autonomy: The Answer to the Mindanao Problem kung saan itinaguyod niya ang awtonomiya bilang kalutasan sa "Problemang Mindanao o Moro".[5]

Binuo niya ang Social Democratic Party of the Philippines noong 1981 na naging sanhi ng kanyang pagpapatalsik mula sa Mindanao Alliance.[6] Tumakbo si Canoy bilang pangulo ng Pilipinas sa dagliang halalan ng 1986 at kumuha ng humigit-kumulang 34,000 na boto.[7] Pagkatapos ng nasabing halalan, binuo niya ang Mindanao People's Democratic Movement ilang buwan pagkatapos ng nasabing halalan at sinubukang ideklara ang pagkakahiwalay ng Mindanao sa Pilipinas bilang Republikang Pederal ng Mindanao noong Abril 1986 ngunit pinayuhan na huwag ituloy ang nasabing deklarasyon.[8] Si Canoy ay nakulong dahil sa kanyang papel bilang nangungunang sibilyan na tagasuporta ng pangkat ni Koronel Alexander Noble sa panahon ng krisis sa Mindanao noong Oktubre 1990[9] ngunit pinakawalan.[4]

Isa si Canoy sa mga tagasuporta sa kandidatura ni Fernando Poe, Jr. bilang pangulo sa pangkalahatang halalan noong 2004.[10]

Huling buhay at kamatayan

baguhin

Sa ilalim ng pamamahala ni dating pangulo Rodrigo Duterte, naging miyembro si Canoy ng Consultative Committee na may layuning amyendahan ang kasalukuyang saligang batas ng Pilipinas.[11] Inimbitahan si Canoy na tumakbo bilang bise alkalde ng Cagayan de Oro sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas sa pangkalahatang halalan noong 2019 ngunit tinanggihan ang nasabing alok dahil sa "kanyang katandaan at mga isyu sa kalusugan".[12]

Hanggang sa kanyang mga huling araw, naisasahimpapawid ang kanyang mga komentaryo gamit ang programang Perspective sa Visayas at Mindanao.[4] Namatay si Canoy sa edad na 93 noong Hulyo 5, 2022.[1]

Pamilya

baguhin

Napangasawa ni Canoy si Solona Torralba noong 1953 at nagkaroon sila ng apat na mga anak.[1] Namatay si Solana noong Pebrero 3, 2019 sa edad na 94.[13]

Kapatid niya sina Henry Canoy, isa sa mga tagapagtatag ng Radio Mindanao Network,[14] at Nestor Canoy, isang doktor mula sa Columbia, Missouri na namayapa noong Hulyo 27, 2017[2]

Mga piling gawa

baguhin
  • Deep River (1950)[15]
  • Wardrobe Item (1950)[3]
  • Real Autonomy: The Answer to the Mindanao Problem (1979)[5]
  • The Counterfeit Revolution: Martial Law in the Philippines[16]
  • The Quest for Mindanao independence (Cagayan de Oro City: Mindanao Post Publishing Company, 1987)[17]
  • Island of Fear (Metro Manila: Solar Publishing Corporation, 1987)[18]
  • The History of Mindanao (2001)[19]
  • Terror in Paradise (2005)[20]

Mga tala at sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Luczon, Nef (Hulyo 6, 2022). "VisMin remembers CDO ex-mayor, federalist Reuben Canoy" (sa wikang Ingles). Philippine News Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 10, 2022. Nakuha noong Hulyo 6, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 St. John the Evangelist Catholic Church (Jackson, Michigan) (Agosto 2017). "On the Death of Nestor Canoy, the Father of Fr. Chas" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 20, 2021. Nakuha noong Hulyo 7, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Canoy, Reuben R. (2021) [1950]. "Wardrobe Item". Sa de la Torre, Rebecca; Partosa, Lady Flor; Soluta, Andrea Gomez (mga pat.). Sands & Coral 2019-2021: The Editors Issue (PDF) (sa wikang Ingles). Lungsod ng Dumaguete: Pamantasang Silliman. p. 18. ISBN 978-971-8530-30-6. Nakuha noong Hulyo 6, 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Gallardo, Froilan (Hulyo 6, 2022). "Former assemblyman and mayor Reuben Canoy dies at 93" (sa wikang Ingles). Mindanao Institute of Journalism. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2022. Nakuha noong Hulyo 7, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Canoy, Reuben R. (1979). "Real Autonomy: The Answer to the Mindanao Problem" (PDF). Philippine Sociological Review. 27 (4): 295–302. Nakuha noong Hulyo 6, 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Hollie, Pamela G. (Disyembre 27, 1981). "14 in Philippines Form New Opposition Party" (sa wikang Ingles). The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2022. Nakuha noong Hulyo 7, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. National Democratic Institute for International Affairs; National Republican Institute for International Affairs (1986). A Path to Democratic Renewal: A Report on the February 7, 1986 Presidential Election in the Philippines (PDF) (sa wikang Ingles). p. 256. Nakuha noong Hulyo 7, 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Yabes, Criselda (Abril 25, 1986). "Philippine separatists raise new flag" (sa wikang Ingles). Laurence Journal-World. Nakuha noong Hulyo 7, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Branigin, William (Oktubre 7, 1990). "Leader of Rebellion Flown to Manila and Jailed" (sa wikang Ingles). The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2022. Nakuha noong Hulyo 7, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Molina, Teddy (Oktubre 10, 2002). "FPJ-Bongbong tandem for '04?" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2022. Nakuha noong Hulyo 7, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Parrocha, Azer (Marso 17, 2018). "Justices, ex-legislators, lawyers, academics comprise Duterte's ConCom" (sa wikang Ingles). Philippine News Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2022. Nakuha noong Hulyo 6, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Orias, PJ (Oktubre 18, 2018). "Canoy declines run for vice mayor" (sa wikang Ingles). SUNSTAR. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 6, 2022. Nakuha noong Hulyo 6, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Palmes-Dennis, Susan (Pebrero 6, 2019). "On Solona T. Canoy's legacy" (sa wikang Ingles). Mindanao Daily News. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 6, 2022. Nakuha noong Hulyo 6, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. RMN Networks. "Corporate" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2022. Nakuha noong Hulyo 7, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Leopoldo Y. Yabes, pat. (2009). Philippine Short Stories, 1941-1955: Part II (1950-1955) (sa wikang Ingles). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press. pp. 23–33. Nakuha noong Hulyo 6, 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Jose, Francisco Sionil (Hulyo 29, 2019). "Book Notes" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2022. Nakuha noong Hulyo 6, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Echeminada, Perseus (Nobyembre 26, 2009). "Mindanao, a breeding ground for violence - book author" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2022. Nakuha noong Hulyo 6, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Jurilla, Patricia May B. (2010). Bibliography of Filipino Novels, 1901-2000 (sa wikang Ingles). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press. p. 139. Nakuha noong Hulyo 6, 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Canoy, Reuben R. (2001). The History of Mindanao, Volume 1 (sa wikang Ingles). Cagayan de Oro. OCLC 65200999. Nakuha noong Hulyo 7, 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)
  20. Canoy, Nestor R.; Canoy, Reuben R. (2005). Terror in Paradise (sa wikang Ingles). Cagayan de Oro. Nakuha noong Hulyo 6, 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)