Marie Antoinette

(Idinirekta mula sa Reyna Marie Antoinette)
Tungkol ito kay Maria Antonia na kilala rin bilang Marie Antoinette. Para sa ibang gamit, pumunta sa Maria Antonia (paglilinaw).

Si Reyna Maria Antonieta, o higit na kilala bilang Marie Antoinette, reynang konsorte ng Pransiya at Navarro, (2 Nobyembre 1755 - 16 Oktubre 1793) (Aleman: Maria Antonia Josepha Johanna von Habsburg-Lothringen; Pranses: Marie Antoinette Josèphe Jeanne de Habsbourg-Lorraine) ay isang Reyna ng Pransiya at Arkodukesa ng Austria. Anak siya ng Emperador ng Banal na Imperyong Romano na si Francisco I at ng asawa nitong si Maria Teresa; asawa ni Haring Luis XVI ng Pransiya; at ina ni Luis XVII ng Pransiya. Binitay siya sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo gamit ang gilotin noong Himagsikang Pranses at inihimlay kasama ng asawa niya sa Basilika ni San Dionisio sa Paris.

Marie Antoinette
Reyna Konsorte ng Pransiya at Navarro
Opisyal na larawan ni Marie Antoinette, 1775
Paghahari10 Mayo 1774 – 21 Setyembre 1792
PinaglibinganBasilika ni San Dionisio, Pransiya (21 Enero 1815, sa panahon ng Restorasyong Borbon)
Konsorte kayLuis XVI ng Pranisya
SuplingPrinsesa Maria-Teresa-Carlota
Louis-Joseph, Delfin ng Pransiya
Louis XVII ng Pransiya
Prinsesa Sofia-Elena Béatriz
AmaFrancisco I ng Banal na Imperyong Romano
InaMaria Teresa ng Austria

Sa gulang na labing-apat, ipinakasal si Maria Antonieta kay Louis–Auguste, ang Delfin ng Pransiya kung saan siya ay itinanghal bilang Dauphine de France (Delfina ng Pransiya). Noong mamatay ang biyenan niyang si Luis XV noong Mayo 1774, naging hari ng Pransiya ang kanyang asawa bilang Luis XVI at siya naman ang naging reyna ng Pransiya at Navarro. Makalipas ang pitong taon ng pagsasama, isinilang si Maria-Teresa-Carlota ng Pransiya, ang panganay sa kanilang apat na supling.

Noong Pamamayani ng Katatakutan, bago sumiklab ang Himagsikang Pranses, isinibak mula sa trono ang asawa ni Maria Antonieta at ang ipinakulong ang pamilyang maharlika. Nilitis si Maria Antonia, sinampahan ng kataksilan sa bansa at nahatulan ng pagpupugot gamit ang gilotin noong 16 Oktubre 1793, tulad ng paghatol at pagbitay sa kaniyang asawang si Luis siyam na buwan makaraan.

Kabataan

baguhin

Si Maria Antonieta ang ika-labinlimang anak (ang pinakabatang anak na babae, ngunit mayroon siyang bunsong kapatid na lalaki) nina Francisco I at Maria Teresa. Ipinanganak siya sa Palasyong Imperyal ng Hofburg sa Vienna, Austria noong 2 Nobyembre 1755. Bininyagan ang sanggol sa ngalang Maria Antonia Josepha Johanna.

Pamilya

baguhin

Pamilya ni Maria Antonieta

baguhin
 
 
 
  Luis XVI ng Pransiya
 
Maria Antonieta
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Reyna Konsorte ng Pransiya at Navarro
Maria Teresa Carlota
 
Unang Dauphin
 
Luis Jose, Delfin ng Pransiya
 
 
Luis Carlos
Maria Sofia Beatriz Elena
 
 

Mga Ninuno ni Maria Antonia

baguhin