Reynang biyuda
Ang isang reynang biyuda o inang reyna (kumpara: prinsesang biyuda o inang prinsesa) ay isang titulo o katayuan na pangkalahatang tumutukoy sa isang biyuda ng isang hari.[1][2] Sa kaso ng biyuda ng isang emperador, ginagamit ang titulong biyudang emperatris. Malinaw ang buo niyang kahulugan mula sa dalawang salita na binubuo ng: reyna na pinapahiwatig na ang indibiduwal ay nagsilbing reynang konsorte (i.e. asawa ng isang hari), habang pinapahiwatig ng biyuda ang isang babae na kung saan patay na ang asawa (isang reyna na namumuno sa sarili niyang karapatan at hindi dahil sa kinasal siya sa isang hari ay isang reynang reynante).
Ang isang inang reyna ay isang biyuda na ina ng isang namumunong monarko. Noong 2019, mayroong apat na nabubuhay na reynang biyuda: sina Kesang Choden ng Bhutan (na tanging lolang reyna sa buong mundo),[3] Norodom Monineath ng Cambodia (na inang reyna din), Lisa Najeeb Halaby (Noor Al'Hussein) ng Jordan, at Sirikit Kitiyakara ng Thailand (na inang reyna din). Si Reyna Ratna ng Nepal ay reynang biyuda hanggang binuwag ang monarkiyang Nepales noong 2008.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Queen dowager". Google Arts & Culture (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-11-14. Nakuha noong 2021-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "queen dowager". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Octogenarian grandmother of king to visit different holy places in state" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-11-12. Nakuha noong 14 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "South Asia | Vote to abolish Nepal's monarchy" (sa wikang Ingles). BBC News. 28 Disyembre 2007. Nakuha noong 14 Enero 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)