Richard Bright (mediko)

Si Richard Bright[1] (Setyembre 28, 1789Disyembre 16, 1858) ay isang Ingles na manggagamot at maagang tagapanimula ng pananaliksik sa sakit sa bato o nepritis (Ingles: nephritis; na kilala rin bilang karamdaman ni Bright[1]).

Richard Bright
Si Richard Bright.
KapanganakanSetyembre 28, 1789
KamatayanDisyembre 16, 1858

Isinilang siya sa Bristol, Gloucestershire, pangatlong anak na lalaki nina Sarah at Richard Bright Sr., isang mayamang mangangalakal at bangkero. Isinali ni Bright, Sr. si Bright, Jr. sa kanyang pagiging mahilig sa agham, na may panghihikayat na gawin itong isang larangan. Noong 1808, sumali si Bright Jr. sa Pamantasan ng Edinburgh upang makapag-aral ng pilosopiya, ekonomiya, at matematika, subalit lumipat sa medisina noong sumunod na taon. Noong 1810, sinamahan niya si Sir o Ginoong George Mackenzie sa isang pang-tag-araw na ekspedisyon sa Aisland kung saan nagsagawa siya ng mga pag-aaral na maka-likas na kasaysayan o bilang isang naturalista. Pagkaraan, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng panggagamot sa Ospital ni Guy o Guy's Hospital sa London at nagbalik sa Edinburgh noong Setyembre 1813 upang mabigyan ng kanyang Doktorado sa Medisina. Ang De erysipelate contagioso (Hinggil sa nakakahawang erysipelas) ang kanyang naging tesis.

Noong mga 1820 at mga 1830, muling naghanapbuhay sa Ospital ni Guy, bilang tagapagturo, manggagamot, at mananaliksik para sa medisina. Nakasabayan niya sa trabaho ang dalawa pang pinaparangalang mga tagapanimula sa larangan ng panggagamot na sina Thomas Addison at Thomas Hodgkin. Nagbunga ang kanyang pananaliksik sa mga sanhi at sintomas ng sakit sa bato patungo sa pagkakakilala niya sa sakit na tinaguriang sakit ni Bright. Dahil dito, itinuring siya bilang "Ama ng Neprolohiya".

Mayroong natatanging damdamin si Bright para sa Unggarya, at namuhay siya sa Kastilyo ng Festetics ng Keszthely noong 1815, kung saan mayroong isang malaking plakeng nagsasaad ng ganitong mga kataga: "To the memory of the English physician scientist and traveller who was one of the pioneers in the accurate description of Lake Balaton", o "Sa alaala ng Ingles na manggagamot na siyentipiko at manlalakbay na isa sa mga tagapanimula ng tumpak na paglalarawan ng Lawang Balaton."

Noong Disyembre 11, 1858, nagkaroon si Bright ng isang malubhang karamdaman dahil sa mga kumplikasyon ng sakit sa puso at hindi na muling gumaling. Namatay siya sa London sa edad na 69.

Nagkaroon siya ng dalawang anak na lalaki. Naging isang manggagamot ang pinakabunso, samantala ang isa naman, na si James Franck Bright, ay naging isang historyador o manunulat ng kasaysayan.

Sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Richard Bright, Bright's disease". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 128-129.

Bibliyograpiya

baguhin
  • van Gijn, J; Hart W (1999). "[From the library of the Dutch Journal of Medicine: Richard Bright (1789-1858) and his 'Reports of Medical cases']". Nederlands tijdschrift voor geneeskunde. 143 (51): 2570–5. PMID 10633798. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong); Unknown parameter |quotes= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Berry, D (1994). "Richard Bright (1789-1858): student days in Edinburgh". Proceedings of the Royal College of Physicians of Edinburgh. 24 (3): 383–96. PMID 11639543. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong); Unknown parameter |quotes= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • MacKenzie, J C (1989). "Dr Richard Bright--a man of many parts. His bicentenary year--1789-1858". Bristol medico-chirurgical journal (1963). 104 (3): 63–7. PMID 2692780. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong); Unknown parameter |quotes= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Marz, I (1989). "Richard Bright--28 September 1789 to 16 December 1858". Zeitschrift für ärztliche Fortbildung. 83 (23): 1207–9. PMID 2697997. {{cite journal}}: Unknown parameter |quotes= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Kark, R M; Moore D T (1981). "The life, work, and geological collections of Richard Bright, M.D. (1789-1858); with a note on the collections of other members of the family". Archives of natural history. 10 (1): 119–51. PMID 11615995. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong); Unknown parameter |quotes= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Brian, V A (1976). "The man behind the name: Richard Bright: 1789-1858". Nursing times. 72 (49): 1937. PMID 794840. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong); Unknown parameter |quotes= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Lyons, J R (1976). "Pioneers in medicine: Richard Bright (1789-1858)". Nursing mirror and midwives journal. 142 (18): 54. PMID 775451. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong); Unknown parameter |quotes= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Bruetsch, W L (1971). "Richard Bright (1789-1858) and apoplexy". Transactions of the American Neurological Association. 96: 213–5. PMID 4945917. {{cite journal}}: Unknown parameter |quotes= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Kinder, C H (1966). "Richard Bright (1789-1858)". Investigative urology. 4 (3): 288–90. PMID 5333197. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong); Unknown parameter |quotes= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • STRIKER, C (1963). "Richard Bright 1789-1858 (Garrison): Select Reports Of Medical Cases: Cases Illustrative Of Some Of The Appearances Observable On The Examination Of Diseases Terminating In Dropsical Effusion". Cincinnati journal of medicine. 44: 426–8. PMID 14054272. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong); Unknown parameter |quotes= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • "Richard Bright (1789-1858)". The Merck report. 64 (3): 19. 1955. PMID 13244362. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong); Unknown parameter |quotes= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin