Ang Ring ni Kakero (Hapones: リングにかけろ, Hepburn: Ringu ni Kakero, literal: "Ilagay lahat sa Ring") ay isang manga mula sa bansang Hapon na sinulat at ginuhit ni Masami Kurumada. Nilathala ito ng Weekly Shōnen Jump sa pagitan ng Enero 1977 at Oktubre 1981. Naipon ang indibiduwal na mga kabanata ng Shueisha sa dalawangpu't limang tankōbon na bolyum. Isang sequel o sumunod na serye ang nilabas na may pamagat na Ring ni Kakero 2 ang nilathala ng baha-bahagi sa Super Jump sa pagitan ng 2000 at 2008.

Isang adaptasyong anime ang ginawa ng Toei Animation na unang lumabas noong Oktubre 2004. Sinundan ito ng ikalawang season na unang lumabas noong Abril 2006, ang ikatlong season noong Abril 2010, at ang ikaapat na season na lumabas noong Abril 2011.

Isa ang Ring ni Kakero sa pinakamabentang seryeng manga ng magasin naJump sa lahat ng panahon, na may higit sa 13 milyong sipi simula pa noong unang paglalathala hanggang 2008.[1][2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Top Manga Properties in 2008 - Rankings and Circulation Data" (sa wikang Inlges). Comipress. 2008-12-31. Nakuha noong 2013-08-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-01-04. Nakuha noong 2017-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)