Ringo Starr
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Ringo Starr (ipinanganak bilang Richard Starkey noong 7 Hulyo 1940) ay isang Ingles na mang-aawit, musikero, aktor at mananambol na naging kilala bilang kasapi ng bandang The Beatles. Sumapi siya sa pangkat noong 1962 bilang kapalit ng orihinal na mananambol ng banda na si Pete Best. Kaagad siyang naging kagustu-gusto at napakatanyag. Naging pangunahin siyang mang-aawit para sa ilang mga awitin ng grupo na kinabibilangan ng "Yellow Submarine", "Act Naturally", "Don't Pass Me By", at "Octopus's Garden".
Nang magwatak-watak ang pangkat, naging isa siyang artistang nagsosolo; kabilang sa kaniyang mga kanta ang "It Don't Come Easy", "Photograph" (isinulat na kasama si George Harrison), "You're Sixteen" (tinatampok sina Paul McCartney at Harry Nilsson), at "Only You (And You Alone)" (kapiling si John Lennon at sa muli ay kasama din si Nilsson).
Umarte si Starr sa ilang mga pelikula, na bukod pa sa mga pelikulang nilitawan niya na kasama ang The Beatles, na kasama ang The Magic Christian (1969), That'll Be The Day (1973), Caveman (1980), at ang gampanin niya bilang Mr. Conductor sa palabas na pambatang Shining Time Station, noong una nitong panahon ng pagpapalabas (1989). (Naging kapalit ni Starr bilang Mr. Conductor ang komedyanteng si George Carlin sa pagdaka). Nagsalaysay din siya sa palabas na pambatang Thomas the Tank Engine and Friends sa loob ng unang dalawang panahon ng mga pagpapalabas (1984). Gumawa rin siya ng pelikula na kasama ang The Beatles na tinawag na A Hard Day's Night noong 1964.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Musika at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.