Ang risograpiya o risograph (bigkas: ri-so-grap) ay isang tatak ng digital na duplicator na nilikha ng Kagaku Corporation. Ito ay dinisenyo para sa maramihang pag-photocopy at pag-print. Ito ay inilabas sa Japan noong 1980. Minsan ito ay tinatawag na printer-duplicator, dahil ang mga mas bagong modelo ay maaaring gamitin bilang isang network printer at bilang isang stand-alone na duplicator din. Kapag nagpi-print ng maraming kopya (karaniwan ay higit sa 100) ng parehong nilalaman, ito ay karaniwang mas mura sa bawat pahina kaysa sa isang karaniwang photocopier, laser printer, o inkjet printer.

Makina ng Risograph

Proseso

baguhin
 
Diagram ng panloob na mekanismo at daloy ng papel sa isang Risograph

Ang pinagbasehang teknolohiya nito ay halos kapareho sa isang mimeograph (isang uri ng makina na gumagana sa pamamagitan ng pagpilit ng tinta sa pamamagitan ng stencil sa papel). Pinagsasama-sama nito ang ilang proseso na dati nang manu-mano, halimbawa gamit ang Riso Print Gocco system o ang Gestetner system.

Ang simpleng teknolohiyang ito ay lubos na maaasahan kumpara sa isang karaniwang photocopier. Maaaring makamit nito ang parehas na bilis (karaniwang 150 pahina bawat minuto) at napakababang gastos bawat kopya kapag nirereplika ang higit sa 100 na kopya. Ang isang habang-buhay ng risograph ay tinatantyang kaya gumawa ng 100,000 orihinal na kopya at 5,000,000 na kopya.

Gumagamit ang mga risograph printer ng soy ink na gawa sa vegetable soybean oil. Ang isang kawalan ng soy based na ink printing medium na ito ay narapat na lahat ng papel ay kailangang walang patong upang matuyo ang tinta at dumikit sa papel.

Dahil ang proseso ay gumagamit ng tunay na tinta tulad ng sa offset printing, at hindi nangangailangan ng init upang ayusin ang imahe sa papel na ginagawa ng isang photocopier o laser printer, ang output mula sa isang risograph ay maaaring ituring na tulad ng anumang offset-printed na materyal. Nangangahulugan ito na ang mga sheet na dumaan sa isang risograph ay maaaring gamitin ulit sa laser printer pagkatapos at bisebersa.

Ang mga risograph ay karaniwang may mga iba't ibang kulay na mga tinta na nagpapalit palit at drum o lalagyan na nagbibigay-daan sa pag-print sa iba't ibang kulay o paggamit ng spot color sa isang print. Ang mga modelo ng serye ng Riso MZ ay may dalawang tinta na drum, na nagbibigay-daan sa dalawang kulay na mai-print sa isang proseso.

Paano Mag-print

baguhin

Pagkatapos iprinta ang orihinal na imahe sa makina, ang Risograph ay gumagawa ng isang orihinal na master copy sa pamamagitan ng paggawa ng mga microscopic na butas sa master na may mga thermal heads.

Ang master copy na ito ay binabaalot sa paligid ng isang drum at ang tinta ay sapilitang pinupunan ang mga butas ng master copy. Ang papel ay nakapatag sa makina habang ang drum ay umiikot sa nang mabilis upang lumikha ng imahe sa bawat papel.

Posibleng mag-print ng isang dokumento sa pamamagitan ng USB o i-scan ito sa gamit ang platen glass scanner.

Paggawa

baguhin

Ang pangunahing master-making thermal head component ay ginawa ng Toshiba. Ang mga makinang katulad ng Risographs ay ginawa ng Ricoh, Gestetner, Rex Rotary, Nashuatec at Duplo. Ang Gestetner, Rex Rotary at Nashuatec ay pagmamay-ari na ng Ricoh.

Paggamit

baguhin

Para sa mga paaralan, club, simbahan, kolehiyo, kampanyang pampulitika, at iba pang mga short-run na trabaho sa pag-print, tinutulay ng risograph ang agwat sa pagitan ng karaniwang photocopier (na mas mura hanggang sa humigit-kumulang 100 kopya) at paggamit ng offset press (na mas mura kaysa sa halos 10,000 kopya).

Mga sanggunian

baguhin