Tim Drake

(Idinirekta mula sa Robin (Teen Titans))

Si Tim Drake ay isang kathang-isip na karakter na lumalabas sa komiks mula sa Estados Unidos na nilalathala ng DC Comics, at karniwang nauugnay sa superhero na si Batman. Nilikha nina Marv Wolfman at Pat Broderick, una siyang lumabas sa Batman #436 (Agosto 1989)[1] bilang ang ikatlong karakter na kinuha ang katauhan na Robin, ang kilalang kapareha ni Batman sa pagiging vigilante. Pagkatapos ng nangyari sa Batman: Battle for the Cowl noong 2009, kinuha ni Drake ang alyas na Red Robin.

Robin
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasBilang Tim Drake:
Batman #436 (Agosto 1989)[1]
Bilang Robin:
Batman #442
(Disyembre 1989)[2]
Bilang Red Robin:
(pagpapakitang kameyo)
Robin #181 (Pebrero 2009)
(buong pagpapakita)
Red Robin #1 (Agosto 2009)
TagapaglikhaMarv Wolfman
Pat Broderick
Impormasyon sa loob ng kwento
Buong pangalanTimothy Jackson Drake[3][4][5]

Kasaysayan ng paglalathala

baguhin

Ipinangalan si Tim Drake kay Tim Burton, direktor ng noo'y paparating na pelikula ng 1989 na Batman. Unang lumabas ang karakater sa komiks noong 1989 na Batman: Year Three na sinulat ni Marv Wolfman at interyor na tagalapis na si Pat Broderick, bago nagkaroon ng kanyang detalyadong pinagmulan sa Batman: A Lonely Place of Dying, isang istoryang crossover sa pagitan ng patuloy na seryeng Batman at New Titans, na sinulat ni Wolfman at nilapis ni George Pérez at Jim Aparo (ang huli ay may tinta ni Mike DeCarlo), kung saan unang pinakilala ang sarili bilang Dick Grayson at pinahanga ang dating Robin sa kanyang kasanayan. Nagdulot ito kay Grayson at kalaunan kay Alfred Pennyworth, mayordomo ni Bruce Wayne, na suportahan ang hiling ni Tim na maging bagong kasama ni Batman. Ayaw na mangyari uli ang pagkakamali na ginawa kay Jason Todd, pinagawa ni Batman kay Tim ang isang panahon ng masinsinang pagsasanay na hindi ginawa sa mga sinundan niya. Dahil dito, nanitil si Tim bilang isang di-sumusuportang karakter na superhero sa kanyang unang taon ng regular na pagpapakita sa titulong Batman, na pangunahing nagtratrabaho sa Batcave.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Wolfman, Marv (w), Broderick, Pat (p), Beatty, John (i). Batman 436 (Agosto 1989), DC Comics
  2. Wolfman, Marv (w), Aparo, Jim (p), DeCarlo, Mike (i). Batman 442 (Disyembre 1989), DC Comics
  3. Thomas, Brandon (w), Williams II, Freddie E. (a). Robin v4, #167 (Disyembre 2007), DC Comics
  4. Yost, Christopher (w), Bachs, Ramon (a). Red Robin #1 (Agosto 2009), DC Comics
  5. Nicieza, Fabian (w), To, Marcus (p), McCarthy, Ray (i). Red Robin #15 (Oktubre 2010), DC Comics
  6. O'Connor, Lauren R. (2021). Robin and the Making of American Adolescence (sa wikang Ingles). New Brunswick: Rutgers University Press. pp. 50–54. ISBN 9781978819795.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)