Rublo

(Idinirekta mula sa Roble)
Tumuturo ang roble rito. Para sa uri ng puno, pumunta sa robles.

Ang rublo, rubla, roble, o rubol (Ingles: ruble o rouble[1], Ruso: рубль = rubl) ay isang yunit ng pananalapi. Ito ang pangkasalukuyang umiiral na yunit ng pananalapi sa Belarus, Rusya, at Transnistria, at dating yunit ng salapi ng ilang iba pang mga bansa, partikular na ang mga bansang naimpluwensiyahan ng Rusya at ng Unyong Sobyet. Nahahati sa 100 mga kopek (Ingles: copeck, Ruso: копейка[1]) ang isang rublo. Gayon din, ang kopek ay ang ika-isandaang bahagi ng isang hiribniya o gribniya (hryvnia) ng Ukranya.

100,000 mga rublong Belaruso na inilabas noong 2005.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Rouble - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.