Ron Paul
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Ronald Ernest "Ron" Paul (ipinanganak noong 20 Agosto 1935) ay isang Amerikanong manggagamot at dating kongresista mula sa partidong Republican na kumatawan sa ika-14 na distrito ng Texas mula 1997 hanggang 2013. Bilang isang mambabatas, siya ay naging miyembro ng House Foreign Affairs Committee, ng Joint Economic Committee, at ng Committee on Financial Services. Nagsilbi rin siya bilang pinuno ng House Financial Services Subcommittee on Domestic Monetary Policy, kung saan siya ay isang kilalang kritiko sa kasalukuyang pamamalakad sa ekonomiya at sa ugnayang panlabas ng Estados Unidos.
Ron Paul | |
---|---|
Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos mula sa ika-14 na distrito ng Texas | |
Nasa puwesto 3 Enero 1997 – 3 Enero 2013 | |
Nakaraang sinundan | Greg Laughlin |
Sinundan ni | Randy Weber |
Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos mula sa ika-22 na distrito ng Texas | |
Nasa puwesto 3 Enero 1979 – 3 Enero 1985 | |
Nakaraang sinundan | Robert Gammage |
Sinundan ni | Tom DeLay |
Nasa puwesto 3 Abril 1976 – 3 Enero 1977 | |
Nakaraang sinundan | Robert R. Casey |
Sinundan ni | Robert Gammage |
Personal na detalye | |
Isinilang | Ronald Ernest Paul 20 Agosto 1935 Pittsburgh, Pennsylvania |
Partidong pampolitika | Republican (1976–1988) Libertarian (1988) Republican (1988–kasalukuyan) |
Asawa | Carolyn "Carol" Paul |
Anak | Ronald "Ronnie" Paul, Jr. Lori Paul Pyeatt Randal "Rand" Paul Robert Paul Joy Paul-LeBlanc |
Tahanan | Lake Jackson, Texas |
Alma mater | Gettysburg College (B.S.) Duke University (M.D.) |
Propesyon | Doktor, Politiko |
Pirma | |
Websitio | Tanggapan ni Ron Paul |
Serbisyo sa militar | |
Sangay/Serbisyo | United States Air Force United States Air National Guard |
Taon sa lingkod | 1963–1965 1965–1968 |
Si Paul ay isang gradwado sa Gettysburg College at sa Duke University School of Medicine, kung saan nakamit niya ang digri para sa medisina. Si Paul ay naging flight surgeon para sa Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos mula 1963 hanggang 1968, sa kalagitnaang ng Digmaang Biyetnam. Siya ay nagtrabaho bilang manggagamot para sa obstetriks at hinekolohiya sa dekadang 1960s at 1970s, at nagpaanak ng halos 4,000 sanggol, bago pumasok sa politika noong 1976.
Si Paul ang nagtatag ng grupong Campaign for Liberty at ang kanyang mga ideya ay inilahad sa di mabilang na mga artikulo at libro, kabilang ang Liberty Defined: 50 Essential Issues That Affect Our Freedom (2011), End The Fed (2009), The Revolution: A Manifesto (2008), Pillars of Prosperity (2008), A Foreign Policy of Freedom: Peace, Commerce, and Honest Friendship (2007), at The Case for Gold (1982). Ayon kay Keith Poole, isang siyentipikong pampolitika mula sa University of Georgia, si Paul ang may pinakakonserbatibong voting record ng kahit sinong miyembro ng Kongreso ng Estados Unidos mula 1937. Ang kanyang anak na si Rand Paul ay inihalal bilang Senador ng Estados Unidos para sa estado ng Kentucky noong 2011, at bilang resulta ay ang nakatatandang Paul ang naging kauna-unahang mambabatas sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos na nanunungkulan kasabay ang kanyang anak sa Senado ng Estado Unidos.
Si Paul ay binansagang "intellectual godfather" ng kilusang Tea Party. Siya ay naging kilala sa kanyang mga posisyong libertaryan sa ilang isyung pampolitika, at madalas siyang nagkakabanggaan sa mga pinuno ng mga partidong Republican at Democratic dahil sa mga posisyong ito. Minsang tumakbo si Paul para sa pagka-Pangulo ng Estados Unidos noong 1988 bilang nominado ng partidong Libertarian, at noong 2008 at 2012 bilang kandidato para sa nominasyon ng partidong Republican.
Mga Kawing Panlabas
baguhin- Personal na websayt ni Ron Paul Naka-arkibo 2012-01-30 sa Wayback Machine.
- Tanggapan ni Ron Paul para sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos Naka-arkibo 2011-10-01 sa Wayback Machine.
- Websayt para sa kampanya ni Ron Paul para sa pagkapangulo ng Estados Unidos para sa 2012 Naka-arkibo 2012-09-10 sa Wayback Machine.
- Websayt para sa grupong Campaign for Liberty