Rotary International

Ang Rotary International ay isang internasyonal na organisasyong panglingkod na ang nakasaad na karapatang pantaong layunin ay pagbuklod-buklurin ang mga pinuno ng mga negosyo at propesyonal upang magkaloob ng serbisyong pangkawanggawa, hikayatin ang mataas na pamantayang pang-etika sa lahat ng mga bokasyon, at higit na pinasulong na tapat na kalooban at kapayapaan sa buong mundo. Iyon ay isang organisasyong sekular na bukas sa lahat ng tao, ano man ang kanilang lahi, kulay, paniniwala, pananampalataya, kasarian o ang naising pampolitika. Mayroong 34,282 klub na pang-miyembro sa buong mundo. 1.2 milyong indibidwal (Rotarians, Rotariano) ang mga sumali sa mga klub na iyon.[1]

Rotary International
MottoService Above Self (Paglilingkod nang Higit sa Sarili)
Pagkakabuo1905; 119 taon ang nakalipas (1905)
UriClub na Panglingkod
Punong tanggapanEvanston, Illinois, Estados Unidos
Kinaroroonan
  • Global (Higit-kumulang 200 bansa at teritoryo)
Kasapihip
1.22 milyon
Wikang opisyal
Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Hapones, Koreano, Portuges, at Espanyol
Pangulo
K.R. Ravindran (2015–16)
Mahahalagang tao
Paul P. Harris (Tagapagtatag)
Websiterotary.org

Kadalasang nagtitipon linggo-linggo ang mga Rotariano para sa almusal, tanghalian, o hapunan upang kamtin ang kanilang unang panggabay na alituntunin o simulain upang maisa-buo ang pagkakaibigan bilang isang oportunidad para sa paglilingkod.

Talisikan (Pilosopiya)

baguhin

Layunin ng Rotary ang ihikayat at pagyamanin ang uliran ng paglilingkod bilang batayan ng karapat-dapat na kawanggawa at, sa partikular, upang ihikayat at pagyamanin ang mga:[2]

  1. Pagpapa-unlad ng pagkakakilanlan bilang isang oportunidad para sa paglilingkod
  2. Mataas na Pamantayang Pang-etiko sa mga negosyo at propesyon, pagbibigay-kilanlan sa pagiging karapat-dapat ng lahat ng mga makabuluhang trabaho o gawain, at ang pagpaparangal (pag-dignipika) sa bawat trabaho o gawain ng mga Rotaryano bilang isang oportunidad upang paglingkuran ang lipunan;
  3. Pagsasagawa ng uliran ng paglilingkod sa bawat buhay na pangsarili, pang-negosyo, at pang-lipunan ng bawat Rotaryano;
  4. Ang pagkakasulong ng internasyonal na pagkaka-unawaan, mabuting kalooban, at kapayapaan sa pamamagitan ng pagbubuklod-buklod ng mga taong nasa negosyo o propesyon na nagkakaisa sa uliran ng paglilingkod.

Itinakda ang mga layuning iyon na salungat o taliwas sa "Rotary 4-way Test", na ginamit upang makita kung kaugma ang pinaghandaang kilos sa diwang Rotaryano. Isinagawa ang pagsusuring iyon ng Rotaryano at negosyanteng si Herbert J. Taylor noong panahon ng Malawakang Depresyon bilang mga takdang alituntunin para sa pagpapanumbalik ng mga pabagsak na negosyo at ginawang saligan bilang pamantayan ng mga etika ng Rotary noong 1942. Nakikita pa rin iyon bilang pamantayan ng mga etika sa pangangasiwa ng negosyo:[3]

Binibigyang-turing ng 4-Way Test ang mga sumusunod na katanungan alang-alang sa pagsasa-isip, pagpapa-batid o pagsasagawa:[4]

  • Is it the truth? (Iyon ba ang katotohanan?)
  • Is it fair to all concerned? (Iyon ba ay patas sa lahat ng mga kinauukulan?)
  • Will it build goodwill and better friendships? (Makakabuo ba iyon ng magandang kalooban at higit na mabuting pagkakaibigan?)
  • Will it be beneficial to all concerned? (Magiging kapaki-pakinabang ba iyon sa lahat ng mga kinauukulan?)

Sanggunian

baguhin
  1. "About Rotary". rotary.org.
  2. "Manual of Procedure" (PDF). 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Russell, Jeff. "Can You Survive Rotary's Four-Way Test?" Journal of Management in Engineering, May/June 2000, Vol. 16, Issue 3, p. 13.
  4. "Guiding principles | My Rotary". www.rotary.org. Nakuha noong 2016-04-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Higit pang Pagbabasa

baguhin

Tignan Din

baguhin

Kawing Panlabas

baguhin

42°02′45″N 87°40′57″W / 42.045826°N 87.682397°W / 42.045826; -87.682397

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.