Ruben Dario

Ruben Dario

Si Félix Rubén García Sarmiento (Enero 18, 1867 – Febrero 6, 1916), kilala bilang Rubén Darío, ay isang manunulat ng Nicaragua na nagpasimuno ng "Spanish-American literary movement" na Modernismo (modernism) na umusbong sa katapusan ng ika-19 na siglo. Si Darío ay nagkaroon ng dakila at impluwensiyang wagas sa ika-20 siglo ng panitikang Espanyol at pamamahayag. Pinupuri siya bilang "Prince of Castilian Letters" at hindi mapag-aalinlangang ama ng Modernismo.[1]

Ang kanyang mga magulang, sina Luis Burgos at Rosa Sarmiento ay nag-asawa noong Abril 26, 1866, sa León, Nicaragua, pagkatapos makamit ang mahalagang patnugot ecclesiastic dahil sila ay pangalawang magpinsan. Subalit, ang asal ni Manuel ng di umano'y pagkahumaling sa sobrang pag-inom ng alak na nag-udyok kay Rosa na abandunahin ang kanyang "conjugal" na bahay at umalis patungong lungsod ng Metapa sa Matagalpa kung saan niya ipinanganak si Felix Rubén. Ang mag-asawa ay nagbati at ipinanganak ni Rosa ang pangalawa nilang anak, isang babae, si Candida Rosa, na namatay makalipas ang ilang araw pagkatapos ipinanganak. Ang pag-asawa ay muling lumubha hanggang sa puntong iniwanan ni Rosa ang kanyang asawa at lumipat sa kanyang tiya, Bernarda Sarmiento. Pagkatapos ng maikling panahon, nagkaroon ng relasyon si Rosa Sarmiento sa isang pang lalaki at nanahan kasama nito sa San Marcos de Colón, sa Choluteca, Honduras.

Si Rubén Darío ay ipinanganak sa Metapa, Matagalpa, Nicaragua. Kahit na ayon sa kanyang binyag, ang totoong apelyedo ni Rubén ay García, ang apelyedo ng kanyang ama ay kilala na Darío sa loob ng maraming taon.

Sa San Salvador, inasawa niya si Rafaela Contreras, anak ng sikat na mananalumpating Honduran, si Álvaro Contreras, noong Hunyo 21, 1890. Isang araw bago ang kasal ay nagkaroon ng coup d'état laban sa presidente (at heneral) Menéndez. Ang coup ay pinamahalaan ni Heneral Carlos Ezeta, na naging panauhin sa kasal ni Darío, na natapos sa pagkamatay ng kanyang asawa, na humantong sa pag-asawa niyang muli sa loob ng maikling panahon. Noong Enero 1891 silang mag-asawa ay muling nagsama sa Guatemala at sila ay nagpakasal sa simbahan noong Febrero 11, 1891. Pagkatapos ng tatlong buwan, ang peryodikong kanyang pinamatnugutan, El Correo de la Tarde, ay tumigil sa pagtanggap ng subsidiya sa pamahalaan, na pwersahang nagpasara nito. Siya ay lumipat sa Costa Rica at itinalaga ang sarili sa capital ng bansa, ang San Jose, noong Agusto 1891. Habang nasa Costa Rica, siya ay hinabol ng kanyang mga pagkakautang sa kabila ng pagiging empleyado at bahagyang nakasusuporta sa pamilya. Ang kanyang unang anak na lalaki, na si Rubén Darío Contreras, ay ipinanganak noong Nobyembre 12, 1891.

Paglalakbay

baguhin

Noong 1892, iniwan ni Dario ang kanyang pamilya sa Costa Rica, at naglakbay patungong Guatemala at Nicaragua, upang maghanap ng mabuting kapalaran lalo na sa ekonomikong pagkakataon. Sa huli, pinangalanan siya ng pamahalaang Nicaraguan na miyembro ng delegasyon sa Madrid kung saan ang mga pangyayari ay magaganap upang alalahanin ang ika-apat na centennial na pagkatuklas ng America. Sa panahon ng kanyang paglalakbay sa Spain, si Darío ay tumigil sa Havana, kung saan nakilala niya si Julián del Casal at ang iba pang artists, tulad nina Aniceto Valdivia at Raoul Cay. Noong August 14, 1892, siya ay lumabas sa Santander, kung saan siya nagpatuloy ng kanyang paglalakbay sa Madrid sa pamamagitan ng tren. Ilan sa mga nakihalubilo na palagi ay ang mga manunula tulad nina Gaspar Núñez de Arce, José Zorrilla at Salvador Rueda; mga nobelistang sina Juan Valera at Emilia Pardo Bazán; ang matalinong si Marcelino Menéndez Pelayo; at ilan pang mga kilalang politico tulad nina Emilio Castelar at Antonio Cánovas del Castillo. Noong Nobyembre, siya ay bumalik sa Nicaragua, kung saan siya nakatanggap ng telegram mula kay San Salvador na nagpapahayag sa kanya ng sakit ng kanyang asawa na namatay noong Enero 23, 1893.

Sa simula ng 1893, si Ruben ay nanatili sa Managua, kung saan siya nagbago ng kanyang kalagayan kasama si Rosario Murillo, na ang pamilya ang nagpwersa kay Darío na pakasalan siya.

Si Darío ay namatay noong Febrero 6, 1916, sae dad na 49, sa León. Ang kanyang pagkakahimlay at lamay ay tumagal ng ilang araw. At siya ay inilibing sa the city's cathedral noong Febrero 13, 1916, sa ibaba ng bantayog ni Saint Paul malapit sa chancel sa ilalim ng lion na gawa sa marmol ng manlililok na si Jorge Navas Cordonero.

Ebolusyon

baguhin

Ang ebolusyon ng tula ni Dario ay nagmarka sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga aklat na nakilala ng mga iskolar ang kanyang mga pangunahing akda: Azul... (1888), Prosas profanas y otros poemas (1896) y Cantos de vida y esperanza (1905). Bago ang Azul... sumulat si Darío ng tatlong aklat at maraming tula na bumuo sa tinatawag na "literary prehistory" ("prehistoria literaria".) Ang mga akalt ay Epístolas y poemas (isinulat noong 1885, subalit nalathala hanggang 1888, sa pamagat na Primeras notas), Rimas (1887) at Abrojos (1887). Sa una nitong mga akda, and kanyang mga pagbasa sa klasikong Espanyol ay litaw o maliwanag, tulad ng tatak ni Victor Hugo. Klasiko ang sukat[1] at ang tono ay nakapamamayaning romantic.

Sa Abrojos, nailathala sa Chile, ang pinakanakilalang impluwensiya ay ang mula sa Kastilang si Ramón de Campoamor.[2] Rimas, nailathala rin sa Chile sa parehong taon, naisulat sa paligsahan para gayahin ang Bécquer's Rimas,anopa't, hindi ito estranghero na ang taimtim na tonong nakuha sa aklat na ito ay kawangis ng isa na nasa panulat ng Sevillian makata/manunulat. Ito ay binubuo lamang ng labing-apat na tula, ng mairuging tono, na ang pamamaraang pagpapahayag[3] ay likas na bécquerian.[4]

Ang Azul... (1888) ay may maraming kuwento sa sulat tuluyan bilang mga tula, na nakahuli sa atensiyon ng mga kritiko sa pamamagitan ng pagkakaibang sukat nito. Ipinakikilala nito sa atin ang ilang "preoccupations characteristic" ni Dario, gaya ng kanyang ekspresyon ng labag sa loob tungo sa bourgeoisie tingnan, halimbawa, ang kuwento sa "El rey burgués") Ang unang edition ng teksto ay nailathala noong 1890, ito ay nadagdagan ng ilang bagong teksto, ilan ay mga sonete sa Alexandrine verses. Ang Modernismong tanghalan ng kalubusan ng tulaang Darian ay tinatakan ng aklat na Prosas profanas y otros poemas, ang koleksiyon ng tula na ang presensiya ng erotika ay mas mahalaga, at naglalaman ng ilang temang esoteric (gaya ng sa tulang "Coloquio de los centauros"). Sa aklat na ito, makikita rin natin ang sariling larawang eclectic ni Dario. Noong 1905, inilathala niya ang Cantos de vida y esperanza, na nagpapahayag ng mas taos at pasariling trend sa kanyang mga akda, na walang pagtanggi sa mga tema na maging kawing sa pagkakakilanlan ng Modernismo. Gayon din, ang civic poetry ay lumitaw sa kanyang akda, tulad ng tula "A Roosevelt", ang trend na magpapatingkad sa El canto errante (1907) at sa Canto a la Argentina y otros poemas (1914).

Mga sanggunian

baguhin
  1. décimas, romances, estancias, tercetos encadenados, en versos predominantemente heptasílabos, octosílabos y endecasílabos
  2. Rafael Soto Vergés: "Rubén Darío y el neoclasicismo (La estética de Abrojos), sa Cuadernos Hispanoamericanos, nº 212–213 (agosto-septiembre de 1967).
  3. (estrofas de pie quebrado, anaphoras, antithesis, etc.)
  4. Maliwanag na si Rubén Darío ay dakilang tagahanga ng Bécquer, na nakilala niya mula pa noong 1882 (ref: Juan Collantes de Terán, "Rubén Darío", in Luis Íñigo Madrigal (ed.), Historia de la Literatura Hispanoamericana, Tomo II: Del Neoclasicismo al Modernismo. Madrid: Cátedra, 1987 (ISBN 84-376-0643-8); pp. 603–32)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Manunulat ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.