Rudamon
Si Rudamon ang huling paraon ng Ikadalawampu't tatlong Dinastiya ng Ehipto. Ang kanyang titularyo ay simpleng binabasa bilang Usermaatre Setepenamun, Rudamon Meryamun, at hindi nagsasama ng mga epithet na Si-Ese o Netjer-Heqawaset na ginamit ng kanyang ama at kapatid na lalake. Siya ang mas batang anak na lalake ni Osorkon III at kapatid ni Takelot III. Siya ay pinaniniwalaang naghari ng mga 2 hanggang 3 taon sanhi ng kakaunting mga kontemporaryong dokumento na alam para sa kanya. Ang mga ito ay kinabibilangan ng isang maliit nahalaga ng mga gawang dekoritibong ginawa sa Templo ni Osiris Heqadjet, ilang mga batong bloke mula sa Medinet Habu at isang base. Sa mga kamakailang taon, ang dalawang mga pragmento ng isang faience statuette na may pangalan niya mula sa Hermopolis ay natuklasan.[2] Ang kamakailang pagkakatuklas na ito ay nagmumungkahing kanyang nagawa na ingatan ang pagkakaisa ng malaking kaharian ng kanyang ama sa Itaas na Ehipto na sumasaklaw mula sa Herakleopolis Magna hanggang Thebes. Sa sandaling pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang kanyang kaharian ay mabilis na nagkawatak watak sa ilang mga malilit na lungsod estado sa kontrol ng mga iba't ibang mga lokal na haring gaya nina Peftjaubast ng Herakleopolis Magna, Nimlot sa Hermopolis, at Ini sa Thebes. Si Peftjaubast ay nagpakasal sa anak na babae ni Rudamon na si Irbastudjanefu at kaya ay manugang ni Rudamon.[3]
Rudamon | |
---|---|
Pharaoh | |
Paghahari | 2-3 taon (23rd dynasty) |
Hinalinhan | Takelot III |
Kahalili | Ini sa Thebes lamang |
Namatay | 739 BCE |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Clayton, Peter A. Chronicle of the Pharaohs: The Reign-by-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt. Thames & Hudson. p.188. 2006. ISBN 0-500-28628-0
- ↑ Perdu, Olivier; "Le Roi Roudamon en personne!" ("King Rudamun in Person!"), RdE 53 (2002), pp.151-178.
- ↑ Broekman, Gerard; "The Chronological Position of King Shoshenq Mentioned in Nile Level Record No. 3 on the Quay Wall of the Great Temple of Amun at Karnak," p.82. SAK 33 (2005)[1]