Ruth Bader Ginsburg


Si Joan Ruth Bader Ginsburg (15 Marso 1933 - 18 September 2020) ay isang dating hukom ng Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos mula noong 1993 hanggang ang kanyang kamatayan noong 2020. Ipinili siya ni Pangulong Bill Clinton para sumunod kay Bryon White. Siya ang unang Hudyong babae na maging huwes ng Korte Suprema.

Si Ruth Bader Ginsburg noong taong 2016.

Gamit ng kanyang mataas na posisyon sa pamahalaan bilang isang huwes sa Korte Suprema, naglaban si Ginsburg para sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at para sa mga karapatang pambabae.

Namatay si Ginsburg sa kanyang bahay sa Washington, DC, noong 18 Setyembre 2020 dahil sa mga komplikasyon ng kanser sa pancreas. Nais niyang mapili ang kanyang kapalit pagkatapos ng halalang pampanguluhan. Dahil dito, naging kontrobersiyal ang nominasyon ni Amy Coney Barrett para maging ang kanyang kapalit.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.