Si Amy Coney Barrett (ipinanganak noong 28 Enero 1972 bilang Amy Vivian Coney) ay isang Amerikanang abogada, hurada, dating propesora at isa sa mga kasalukuyang hukom sa Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos. Pinili siyang maging huwes para sa Amerikanong Korte Suprema ni Pangulong Donald Trump at nag-umpisa siya magsilbi mula 27 Oktubre 2020.

Si Amy Coney Barrett noong taong 2018

Nagturo siya bilang isang propesor ng batas sa Notre Dame Law School, kung saan siya nagturo ng pamamalakad sibil, batas ng konstitusyon, at interpretasyon ng batas. Bago siya naging parte ng Korte Suprema, ipinili siya ni Trump na maging huwes sa Seventh Circuit at kinumpirahin siya ng Senado ng Estados Unidos noong 31 Oktubre 2017.

Noong 26 Setyembre 2020, inanunsyo ni Trump ang kanyang balak na ipiliin si Barrett para maging kalapit ni Ruth Bader Ginsburg sa Korte Suprema ng Estados Unidos. Sa sumunod na buwan, bumuto ang Senado ng Estados Unidos 52-48 upang ikumpirmahin ang kanyang nominasyon.

Sinusuportahan niya ang orihinalistang interpretasyon ng Konstitusyon.

Kabataan at edukasyon

baguhin

Ipinanganak si Barrett sa New Orleans, Louisiana, panganay sa pitong kapatid. May lahing Irlandes at Pranses siya at relihiyosong Katoliko ang kanyang pamilya.

Nag-aral siya sa St. Mary's Dominican High School, isang mataas na paaralang pambabaeng Katoliko at nagtapos siya noong 1990. Nag-aral si Barrett sa Rhodes College, kung saan siya nag-major sa panitikang Ingles at nag-minor sa wikang Pranses . Nagtapos siya noong 1994 nang magna cum laude. Nakatanggap siya ng full-tuition scholarship sa Notre Dame Law School, kung saan siya nag-aral ng batas.

Personal na buhay

baguhin
 
Si Barrett at ang kanyang pamilya kasama si Pangulong Trump noong 26 Setyembre 2020
 
Si Amy Coney Barrett kasama ang kanyang asawa na si Jesse M. Barrett

Kinasal ni Barrett si Jesse M. Barrett noong 1999. Meron silang pitong anak; dalawang dito ay ampong taga-Haiti. Katoliko si Barrett at ang kanyang buong pamilya.

Bumuto si Barrett nang Republikano at Demokratiko sa nakaraan. Nagpositibo siya sa COVID-19 noong tag-init ng taong 2020; gumaling na siya.

Tingnan din

baguhin