Ang SSEM (Manchester Small-Scale Experimental Machine), na may palayaw na Baby, ay ang unang stored-program computer sa daigdig. Ito ay itinayo sa Victoria University of Manchester, England, nina Frederic C. Williams, Tom Kilburn at Geoff Tootill, at tumakbo ang unang programa nito noong 21 Hunyo 1948.[1]

A series of seven tall metal racks filled with electronic equipment standing in front of a brick wall. Signs above each rack describe the functions carried out by the electronics they contain. Three visitors read from information stands to the left of the image.
Isang replica ng SSEM na matatagpuan sa Museum of Science and Industry sa Castlefield, Manchester

Ang makina ay hindi inilaan upang maging isang praktikal na computer sa halip ay dinisenyo bilang isang testbed para sa Williams tube, isang maagang anyo ng computer memory. Bagama't itinuturing na "maliit at primitibo" sa pamantayan ng panahon nito, ito ay ang unang gumaganang makina na naglalaman ng lahat ng elemento na mahalaga sa isang modernong electronic computer.[2] Nang napakita ng SSEM ang posibilidad ng disenyo nito, ang isang proyekto ay pinasimulan sa unibersidad upang buuin ito na mas kapaki-pakinabang na computer, ang Manchester Mark 1. Ang Mark 1 naman ay mabilis na naging prototype para sa Ferranti Mark 1, ang unang sa komersyal na pangkalahatang computer sa mundo.[3]

Ang SSEM ay mayroong 32-bit na word length at memory na 32 word. Dahil ito ay dinisenyo na maging posibleng pinakasimpleng stored-program computer, ang tanging arithmetic operation na ipinapatupad sa hardware ay subtraction at negation; ang iba pang arithmetic operation ay ipinatupad sa software. Ang una sa tatlong programa na isinulat para sa makina ay ang paghahanap ng pinakamataas na proper divisor ng 218 (262,144), isang kalkulasyon na inaasahang matagal ang pagpapatakbo—at pagpapatunay na maasahan ang computer—sa pamamagitan ng pagsubok sa bawat integer mula sa 218 − 1 pababa, bilang division ay ipinatupad sa pamamagitan ng paulit-ulit na subtraction ng divisor. Ang programa ay binubuo ng 17 instruction at tumakbo nang 52 minuto bago maabot ang mga tamang sagot na 131,072, pagkaraang matapos ng SSEM ang 3.5 milyong operasyon (para sa isang effective CPU speed na 1.1 kIPS).

Sanggunian

baguhin
  1. Enticknap, Nicholas (Tag-init 1998), "Computing's Golden Jubilee", Resurrection, The Computer Conservation Society (20), ISSN 0958-7403, nakuha noong 19 Abril 2008{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Early Electronic Computers (1946–51)", University of Manchester, nakuha noong 16 Nobyembre 2008{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Napper, R. B. E., Introduction to the Mark 1, The University of Manchester, nakuha noong 4 Nobyembre 2008{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)