Pagbabawas

Isa sa apat na pangunahing operasyon sa aritmetika

Ang pagbabawas o subtraksiyon (mula Ingles subtraction) ay isa sa apat na pangunahing operasyon sa aritmetika. Ito ang proseso ng pagtanggal o pagbawas sa isang matematikal na bagay (hal. bilang) ng isa pang matematikal na bagay. Ang sagot na nakukuha sa operasyong ito ay tinatawag na diperensiya[1] o kaibhan.[2] Sinisimbolo naman ito ng tandang pambawas (minus sign, "").

5 - 2 = 3, binabásang lima binawasan ng dalawa ay tatlo.

May mga katangian ang pagbabawas. Di tulad ng kabaligtaran nitong pagdaragdag, nakakaapekto ang pagpapalit-puwesto ng mga kasangkot sa operasyon (di‑komutatibo). Taliwas din sa pagdaragdag, nagbabago ang resulta ng operasyon kung papalitan ang mga uunahing babawasan (di-asosyatibo). Walang mababawas sa babawasang bilang kung sero (0) ang babawas dito. Gayunpaman, tulad ng pagdaragdag, sinusunod din ng pagbabawas ang mga nahuhulaang tuntunin patungkol sa mga kaugnay na operasyon nito.

Isa rin sa mga pinaksimpleng gawain sa aritmetika at matematika ang pagbabawas. Kayang gawin ito ng mga maliliit na bata. Isa rin ito sa mga unang itinuturo sa matematika ng mababang edukasyon.

Samantala, sa mataas na alhebra at alhebrang pangkompyuter, karaniwang itinuturing ang notasyon sa pagbabawas, sa anyong , bilang isang mabilisang pagsulat sa ekspresyon ng pagdaragdag sa anyong . Ginagawa ito upang madaling mabása at magamit ang naturang operasyon sa iba pang mga katangian, tulad ng pagpapalit-puwesto (komutatibo) at pagbabago ng sagot (asosyatibo).

Notasyon at terminolohiya

baguhin
 
Pagbabawas mula 0 hanggang 10. Ang aksis na X ay ang bawasin, samantalang ang Y ay ang mga kaibhan. Pamawas naman ang mga linya.

Madalas na isinusulat ang pagbabawas gamit ang tandang pambawas (minus sign, "-") sa pagitan ng dalawang termino.[3] Halimbawa:

        ("dalawa binawasan ng isa ay isa")

  ("apat binawasan ng dalawa ay dalawa")
  ("anim binawasan ng tatlo ay tatlo")

Tinatawag na bawasin ang bilang na babawasan,[4] samantalang pamawas naman ang tawag sa bilang na magbabawas.[5] Tinatawag namang diperensiya[1] o kaibhan[2] ang resulta ng operasyong ito. Gayunpaman, madalas ginagamit naman ang mga deribatibo ng pandiwang bawas para matukoy ang mga ito. Halimbawa, maaaring tawaging babawasan ang bawasin, samantalang maaaring tawaging tagabawas o babawas ang pamawas.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "diperensiya". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "kaibhan". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "List of Arithmetic and Common Math Symbols" [Listahan ng mga pangkaraniwang simbolong pang-aritmetika at matematika]. Math Vault (sa wikang Ingles). Marso 17, 2020. Nakuha noong Nobyembre 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "bawasin". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "pamawas". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.