Sa Aking Mga Kabata
Ang "Sa Aking Mga Kabata" ay isang tula na nakasulat sa wikang Tagalog tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa kanyang katutubong wika. Madalas na pinapalagay na ginawa ito ni Jose Rizal, ang Pambansang Bayani ng Pilipinas at sinasabing naisulat niya noong 1869 sa gulang na walong taon at unang tulang ginawa ni Rizal.[1][2]
Bagaman, may ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na nagsasabing walang patotoo na si Rizal ang may-akda ng tula at panlilinlang ito.[3] Pinaghihinalaan ang mga makatang sina Gabriel Beato Francisco o Herminigildo Cruz ang tunay na may-akda.[4]
Teksto ng tula
baguhinSa Aking Mga Kabata
Kapagka ang baya'y sadyáng umiibig'
Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharián,
At ang isáng tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaán.
Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ
Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,
Kayâ ang marapat pagyamaning kusà
Na tulad sa ináng tunay na nagpalà.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Inglés, Kastilà at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingín
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ
Ang lunday sa lawà noóng dakong una.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Impormasyon tungkol sa Sa Aking Mga Kababata
- ↑ M.C. Romero, J.R. Sta Romana, & L.Y. Santos (2006). Rizal and the Development of National Consciousness. Goodwill Trading Co., Inc. p. 104. ISBN 9789715741033.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Ambeth Ocampo (Agosto 22, 2011). "Did young Rizal really write poem for children?". newsinfo.inquirer.net. Philippine Daily Inquirer.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Paul Morrow (July 16 – 31, 2011). "Something fishy about Rizal poem" (PDF). The Pilipino Express. The Pilipino Express Inc. 7 (14): 1–33.
{{cite journal}}
: Check date values in:|date=
(tulong)