Ang sabaw na hinulugan ng itlog (Ingles: egg drop soup; Intsik na tradisyunal: 蛋花湯; pinyin: dàn huā tāng; literal na "sopas na may bulaklak na itlog") ay isang sabaw o sopas na Intsik na mayroong mga itlog na binati nang kaunti at nasa loob ng pinakulong sabaw ng katas ng manok. Ang mga kondimentong (pampalasa o rekado) katulad ng pamintang itim o pamintang puti, at karaniwang dinaragdagan ng tinadtad na mga iskalyon at tokwa. Ang sabaw ay karaniwang nakukumpleto na ang pagluluto sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang manipis na buhos ng binating itlog habang kumukulo ang sabaw at habang nasa panghuling mga sandali ng pagluluto, na lumilikha ng manipis at malasutlang mga hibla o mga himaymay ng naluto nang itlog na lumulutang sa sabaw. Ang mga sabaw na may hinulog na itlog na gumagamit ng iba't ibang mga resipi (reseta sa pagluluto) ay nakikilala bilang isang sabaw na madaling ihanda sa iba't ibang mga mga bansa sa Europa at sa Hapon.